Gulf's POV
Nagising ako ng may maramdamang mabigat sa may ibabaw ko at pumipisil pisil sa ilong ko.
Pagmulat ko ng mga mata isang nakangiting Mew ang bumungad sakin.
"Good morning!"
Sa gulat ko naitulak ko siya ng malakas dahilan ng pagkahulog niya sa kama.
"Shit! Ang sakit ng pwet ko!" daing nito habang himas himas pwetan niya.
Galit niya akong tinignan.
"Sorry! Ginulat mo kasi ako!" hinging paumanhin ko.
Bumababa ako sa kama at nilapitan siya para tulungan makatayo. Inabot naman niya kamay kong nakalahad.
Pareho kaming natahimik. Magkaharap sa isa't isa habang nakatitig sa bawat mukha namin.
Napaatras ako ng humakbang siya palapit sakin. Sa malas, muntik pa ako ma-out balance buti at agad niya ako nasalo.
Napahawak agad ako mga braso niya habang siya nakapulupot ang isang kamay sa bewang ko.
"Careful, you might fall. But, don't worry, I'm willing to catch you!"
Para akong nahihipnotismo sa malalagkit niyang pagkakatitig sakin. Halos di ako humihinga sa lapit ng mga mukha namin.
Ano mayroon sa lalaking to ngayon? He's acting so strange and weird.
Inalalayan niya akong makatayo ng maayos. We are almost hugging each other. Hawak niya parin bewang ko.
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng may sunud sunod na kumatok.
"Señorito, gising na po ba kayo? Pinapababa po kayo ng lolo niyo! Sabayan niyo daw po siya mag almusal!" sigaw ng katulong.
"Okay! Pakisabi bababa na kami!" sigaw pabalik ni Mew sa katulong tsaka lang ako nahiyang humiwalay sa pagkakayakap niya sakin.
"Wash your face. I'll wait for you here! Sabay na tayo bumaba!"
Naweweirduhan man sa inaakto niya ay tumango at talima naman ako sa sinabi niya.
Hindi naman ako nagtagal sa loob ng banyo.
Saktong paglabas ko galing banyo ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono. Nakangiti pa siya habang nakikipag usap sa telepono.
"Okay thanks! I'll call you back! Bye!"
"Sino kausap mo?" tanong ko ng lumingon ito.
"Nothing! Just my secretary. Why? Are you jealous?" nakangisi nitong sabi sakin.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Ang weirdo niya talaga today. Lakas ng confidence na sabihin nagseselos ako.
Nilapitan ko naman siya sabay hatak ng damit niya. Halata sa mukha nito ang pagkagulat.
I smirked at him.
"What if I am? What will you do?" paghahamon ko naman sa kanya.
This time ako naman ang nagulat ng bigla niya hapitin bewang ko palapit sa katawan niya.
Halos magdikit na labi namin sa ginawa niyang paghapit sakin.
"Then let me do this para di ka magselos!" he said.
At sa isang iglap, he pressed his lips to mine. Nanlaki mga mata ko sa ginawa niya. I didn't expect him to kissed me.
He pushed me closer to him. Napahawak ako sa braso niya sabay pikit ng mga mata.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
Fiksi PenggemarTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...