TS: 13

814 80 56
                                    

Gulf's POV

Hindi ako makapaniwalang makikita kong muli si Jax.

Hinahabol ko ang sasakyan nito hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin ko.

Sa sobrang pagod sa paghabol sa kanya napaupo nalang ako sa semento. Hingal na hingal na pinagmamasdan ang tinahak nitong daan.

Ang nakapagtataka bakit ibang iba na siya? Para pang hindi niya ako kilala?

Ano kaya nangyari sa taong yun?

Tumayo ako at pinagpagan ang pang upo ko tsaka umalis sa lugar ar umuwi.

"Mukhang kailangan kong bumalik dito baka sakaling makita ko siya ulit!" bulong ko habang naglalakad papuntang paradahan ng tricycle.

                                ***
Makalipas ang ilang araw, nagpabalik pabalik ako ng palengke. Nagbabasakaling makita si Jax. Halos araw araw na ngang nandito ako.

Kandahaba na leeg ko sa kakahanap sa kanya sa maraming tao dito sa palengke.

Habang abala sa paghahanap may biglang tumapik sa balikat ko.

"Gulf!" tawag ni Top sa akin.

Tinanguan ko lamang siya at nagpatuloy sa paghahanap sa taong gustong gusto ko ng makita.

"Hanggang ngayon hinahanap mo parin siya? Baka nagkataon lang na napadpad siya dito!" sabi nito sa sakin na medyo kinainis ko.

Parang sinasabi nitong wala ng saysay ang paghahanap ko sa kanya dahil halos araw araw akong umaasang muli siyang makita.

Hindi na naman na lingid sa kaalamanan ni Top ang lagi kong pagpunta dito.

Naramdaman niya siguro na hindi ko nagustuhan sinabi niya kaya humingi ito ng paumanhin.

Simula ng mawala si Jax sa buhay namin ni Tatang, laging nasa tabi ko si Top para damayan ako sa lungkot.

Tinangka niya pa ngang ligawan ako ulit pero kahit ano gawin ko hindi ko kayang ipagpalit si Jax. Mahal ko pa rin si Jax sa kabila ng biglaan niyang pagkawala.

Ngayong nagkaroon ako ng pag-asa dahil nakita ko na ulit siya. Siguro bumalik na ang alala nito kung kaya noong araw na muntik na niya akong masagasaan ay parang hindi niya ako makilala.

Isa pa, sa gara ng kotseng sinasakyan nito at sa pananamit nito, hindi malabong galing ito sa mayamang pamilya.

Pinagpatuloy ko parin ang paghahanap sa kanya hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang matagal ko ng gustong makita.

"Top hayun siya!" turo ko kay Jax na ngayon ay naglalakad na palayo sa palengke kung nasaan kami ngayon ni Top.

Hindi siya pwedeng makalayo. Kailangan ko siyang makausap. Bigla kong hinatak si Top at hila hila ko siya habang sinusundan si Jax.

"Gulf hey! Dahan-dahan naman!" reklamo nito.

Hinahatak ko kasi damit nito pero hindi ko pinansin reklamo niya.

"Hindi pwedeng mawala sa paningin ko si Jax. Baka mawala na naman siya!" tugon ko sa kanya.

Sinundan pa namin siya hanggang sa makalabas na kami ng palengke. Kulang nalang lumipad ako maabutan ko lang siya.

Lumiko ito pakaliwa at ganun din ginawa namin hanggang sa pasok ito sa isang mall.

Hanggang sa loob ng mall sinundan parin nmin siya.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon