Gulf's POV
"Ano ginagawa mo?" tanong ko kay Jax ng matapos kong maset up ang isang blanket dito sa lilim ng puno at mga dala naming basket na may lamang mga pagkain.
Naisipan kasi naming magpicnic na dalawa dito sa ilog.
Dito rin kasi naisipan nitong boyfriend kong si Jax na magdate.
Ngayon, may kung anong inuukit siya sa puno gamit ang maliit na kutsilyo.
"I'm carving our endearment here bii!" saad niyang nakangiti.
Tinignan ko naman inukit niya. Nakaukit sa punong mangga ang salitang Boo at Bii na may hugis puso pa sa gitna.
Ang korni niya talaga pero kahit magkaganoon pa man ay na aappreciate ko naman mga pag eeffort niya.
Kahit sa ganitong simpleng bagay na ginagawa niya ay sobrang kaligayahan na ang nararamdaman ko.
"Bakit mo inuukit endearment natin?" tanong ko.
Hinaplos haplos niya ang inukit niya sabay lingon sa akin ng nakangiti. Abot hanggang tenga na ata ngiti nito.
Hinawakan niya tagiliran ko at hinatak ako palapit sa kanya.
Yakap yakap niya tagiliran ko ng isa niyang braso habang magkaharap kami sa puno at nakamasid sa nakaukit.
"Isn't it cute? Inukit ko talaga yang endearment natin incase na magkahiwalay tayo. Itong punong to ang magiging tulay natin para magkabalikan tayo ulit. Dahil ikaw.." humarap ito sa akin. Niyakap niya isa niyang braso.
Ngayon yakap yakap na niya bewang ko habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
"Dahil ikaw ay para lang sa akin at wala ng iba. Saksi ang punong ito at ang langit kung gaano kitang kamahal." dugtong nito sa sinabi niya.
Halos wala akong mamutawing salita. Nakatitig lang ako sa mukha niya.
Bakit parang iba ang pakiramdam ko?
Bakit parang may hindi magandang mangyayari?
Tsaka bakit hiwalayan agad iniisip nito? Isipin ko palang na mawawala siya sa akin parang hindi ko kakayanin.
Dahil sa samot saring nararamdaman ko at sa mga negatibong naiisip ko, niyakap ko siya ng mahigpit.
Matapos ko siyang bigyan ng mahigpit na yakap, ikinulong ko ang magkabilang pisngi niya ng dalawa kong palad tsaka siya ginawaran ng halik.
Habang hinahalikan siya hindi ko na napigilan na tumulo luha ko.
"Hey! Why are you crying?" puna niya sa akin matapos ang ilang minutong halikan namin.
Pinunasan niya pa pisngi at mga mata ko gamit ang kamay niya.
"Ipangako mo sa akin Jax na hindi mo ko iiwan!" madamdamin kong saad sa kanya.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko sa isiping iiwan niya ako.
Ngumiti siya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi.
"I won't leave you okay." pagbibigay assurance niya sa akin.
Ayoko mang itanong sa kanya ang kinatatakutan ko pero mas pinili ko paring tanungin siya dahil hindi rin naman mapapanatag ang kalooban ko kung hindi ko malalaman mula sa kanya ang kasagutan.
Lumunok muna ako at pinakalma ang sarili bago ko siya tanungin.
"Paano kung... kung bumalik na ang alala mo at makalimutan mo ako?" parang may kung anong tumatarak na bagay sa puso ko sa tanong na yun.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
FanfictionTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...