CHAPTER 11

39 5 0
                                    

Jesh POV

Matapos kaming kumain ni gian ng yayain na nya akong lumabas ng cafeteria..

Kasi pupuntahan daw namin yung mga batang kalye, ngayon nandito na kami sa parking lot at sumakay na kami ng kotse nya and finally naka sakay narin ako sa paboritong sasakyan ni gian.

Kakilig naman nung una kasi pangarap ko lang na isakay ako ni Gian.

Eh ngayon dream come true na diba nag simula ng ipaharurot ni gian yung kotse nya at umaalis na kami.

"Bat di kapa naka seat belt?"

"Huh?"

Ahh oo nga pala ngayon ko lang napansin na hindi pa pala ako naka seat belt and inihinto muna ni gian yung kotse nya sa tabi at sya na mismo ang nag kabit ng seat belt, omg kinikilig ako gian naman eh, well napaka perfect na naman ng araw na to sakin napatitig nalang ako sa kanya at di ko na namalayan na nag drive na muli sya.

"Hoy hahaha bat ganyan ka makatitig ha? May gusto kana sakin noh? Hahahahaha."

"Baliw to, hindi lang kasi ako sanay na may nag gaganyan sakin ok."

Pinalo ko sya sa braso pero mahina lang noh baka masaktan baby ko eh.

"Pwede ka na munang matulog sandali kasi malayo layo pa yung pupuntahan natin."

"Naku wag na noh...mamaya baka tumulo pa laway ko eh."

"Haha eh di sasaluhin ko..hahaha."

"Hayst kadiri toh." Saad ko."Pwede bang ako nalang saluhin mo." Pabulong na saad ko.

"Ha? May sinasbi kaba jan ms.hottie?"

"Ha? Wala noh, sabi ko mag drive kana lang jan mamaya mabangga pa tayo noh."

"Haha..huy magaling ako mag drive noh."

"Haha eh di ikaw na."

"Ako naman talaga eh, haha."

"Tsaka bakit hindi si miah ang niyaya mo ngayon? Oh eh di sana may moments pa kayo noh." Saad ko.

"Yung babaeng yun? Naku allergic sa mga bata iyon noh..tsaka kapag kasama ko sya ngayon baka yayain na nya akong umuwi hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin." Saad nya.

"Ah eh pano nalang kung nag ka anak kayo? Eh di allergic sya sa anak niyo?"

"Haha, malay mo magbago pa, malay mo naman hindi kami noh."

Natahimik nalang ako at tumingin nalang sa labas ng bintana, hayst pano nga kung maging kayo talaga, malay mo nga na kayo talaga sa isat isa, malay mo kayo nga ang itinadhana, hayst sinandal ko nalang ang ulo ko sa sandalan at naka tingin lang sa bintana ng kotse.

Habang pinasok ko yung headset ko sa tenga ko nasa ganung posisyon nga ako ng hinatak ni gian yung isa kong head set sa tenga ko at kinabit nya ito sa tenga niya.

"Ano ba?"

"Parinig nga yang music mo."

Napapasayaw nalang yung ulo nya at sinasabayan nya din yung bawat sentence ng kanta.

"Ahm pinapatugtog mo pala ang paborito kong kanta ah..hahaha."

"Ha?"

Oo tama ang rinig niyo paboritong kanta ang pinapatugtog ko araw araw hindi ako nag sasawa noh.

"Paborito mo rin ba ito?"

"Ha? Oo naman noh..ang ganda kayang pakinggan tska hindi nakakasawa."

"Tama ka, haha alam mo kapag hindi mo to paborito iisipin ko talaga na may gusto ka nga sakin."

"Haha, nakakatawa ka alam mo nakakatawa yang mga naiisip mo eh noh..mag drive kana lang ok."

MY ULTIMATE CRUSH Where stories live. Discover now