I'm Jaila, high school student, 17 years o
ld. I am the one, who fell inlove with my bestfriend.
We're bestfriends since elementary 'til, 4th year highschool. He's Zeo.
Bagong lipat kami ng bahay, noong grade 5 ak at naging classmate kami, feeling close siya. Lagi niya akong inaasar, hindi ko na mamalayan na mas nagiging close kami.
I admit that he's handsome, his pointed nose, and he's attractive. I can't deny that he's my ideal man. He's also a varsity player, honor student, and talented man. Hindi na ako magtaka kung maraming magkagusto sa kan'ya, even mga senior high at kapwa niya lalaki ay nagiging bakla, because of him. Kaya napaka swerte ng magiging girlfriend niya.
Idk, kung bakit ako pa napili niyang kaibiganin. I mean, isa lang naman akong transfer sa school nila. Siya rin yung tipong 'pag hindi mo siya inapproach, hindi ka rin niya i-aaproach, at hindi niya din ugali ang mag approach. May pagka-introvert din siya. Katulad ko.
I still remember no'ng papasok kami, bigla na lang may humablot ng buhok ko. At hindi ko ine-expect na papatulan niya yung babaeng yun para sa'kin.
Then after that, yung ngiti ko abot hanggang tenga, akala mo wala nang bukas kung maka ngiti.
Lagi kaming magkasama, minsan nga bumabanat siya at bigla na lang nag init ang pisngi ko. Napapaisip ako, kung bestfriend ba talaga kami? May time na, sobrang sweet niya. Yung tipong nagagalit siya kapag sinusuway ko bilin niya. Sa'kin lang siya sweet, clingy at childish. Sa iba, masungit siya at cold.
Ilang araw ko pinagisipan ang gagawin ko, kaya kinaumagahan—chinat ko siya.
"Hoy ghorl, I need to tell you something." Kabadong-kabado ako sa gagawin ko.
"Oh, bakit? Namiss mo yung gwapo mong bestfriend?" Ayan na naman, ang hangin niya.
"I need to tell you something too," dagdag niya.
"Sabay tayo." I replied.
Nagpalusot ako na sabay kami, pero gusto ko kasing siya ang mauna mag sabi sa'ming dalawa.
"Nililigawan ko na si Xena Erves, yung leader ng cheering squad."
"Ah, stay strong kung ganon!"
Ouch, I'm hurt. Hindi ko na natuloy ang pag amin ko. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo.
"Thank you, ano pala sasabihin mo?"
"Uh? Ano, wala naman. I'm happy for you, nalaman ko kasi na may nililigawan kana."
Mali na umamin ako, dahil may nililigawan siya. Ano ba 'to? Bakit ako nasasaktan? Mag bestfriend lang naman kami. At hanggang dun lang yun.
"Sige, maya na lang, may gagawin pa ako." Agad kong tinurn off ang status ko. Inaantay ko ang reply niya, pero ilang minuto nakalipas, walang kahit anong reply. Kaya tuluyan na akong nag out.
_
After that day, iniwasan ko na siya. Delikado ako sa mga ka squad ni Xena, balita ko kasing mga warfreak sila. Pero hindi ko maiwasang hindi kulitin si Zeo.
"Ghorl, nandito na ako sa tambayan, nasa'n kana?"
"Ghorl, mag reply ka naman. Mag tatampo ako, sige ka."
I-chachat ko pa sana siya uli, nang makita ko sa hindi kalayuan silang dalawa ni Xena. Masayang naglalakad at habang ako 'to, nag-aantay sa wala.
Mag isa na lang akong pumasok, usap-usapan sa school ang tungkol sa kanila. Hindi ba sila nagsasawa pag usapan silang dalawa? Oo na, bagay na silang dalawa, tss.
