CHAPTER 2

372 9 3
                                    

Bryan

Sakay ako ng aking kotse papuntang hideout namin sa Cavite. Mainit naman ang aking ulo kasi yong pinapahanap kong tao hnggang ngayon di pa rin nila mahanap.Isang babae lang halos di pa nila mahanap.

"Ano hindi ninyo pa rin nakita yong pinapahanap ko sa inyo"

"Boss talagang sinuyod namin ang boung Cavite di talaga namin mahanap"

"Isang babae lang hindi nyo pa makita anong klase kayo ginagawa nyo ba ang trabaho nyo sayang ang pinapasuweldo sa inyo" sa sobrang galit ko pinag susuntok ko sila.

Halos mag maakawa mga tauhan ko sa akin dahil kung di ko gagawin iyon ako naman ang mapapahamak kay Don FRANCISCO MONDRAGON ang aking ama na siyang pinuno at para magtanda din sila.

"Bibigyan ko kayo ng isang buwan pag di nyo nakita pasensyahan tayo"

"Opo boss gagawin po namin ang lahat"

"Steven ano balita kay Marques sa Davao"

"Wala boss hindi pa nag report si Marques simula ng pinadala mo siya doon"

"Kontakin mo"halos itapon ko lahat ng mahawakan ko umiinit talaga ang ulo ko ung kanina halos nandito lahat ng tauhan ko ngayon di ko alam kong san n sila nagtakbuhan maging sila takot pag alam nila mainit ang ulo ko.

"Boss"sabay abot ni Steven ng cell phone tanging si Steven lang ang nakakalapit sa akin pag mainit ang ulo ko.

"Hello boss"

"Siguraduhin mo lang na maganda ang ibabalita mo sa akin Marques dahil kung hindi magtago ka na sa saya ng nanay mo"

" Boss ok lang ang negosyo dito sa katunayan boss lumalawak na ung ipinunla ni pinuno dito na bunga"

"Magaling Marques wala ka pa din kupas maasahan ka pa rin"

"Salamat boss"

"Ikaw na muna bahala diyan may pina paayos lang si pinuno sa akin kaya mainit ang ulo ko"

"Yes boss huwag kang mag alala"pinatay ko na ang tawag kay Marques matapos sabihan ni Steven ang mga tauhan ko umalis na din kami.

Habang pauwi ng Manila kinakabahan ako di ko alam kung ano isasagot kay papa pag nagtanong siya tungkol kay Virginia PEREZ ang babaeng pinapahanap sa akin ni papa ang pag kaalam ko may malaking utang kay papa.

Pero bakit galit na galit ang ama ko sa kanya kulang na lang patayin niya ito pag nakita niya.
Aminin ko malaki din ang takot ko sa papa ko kahit may edad na matapang pa din malakas at magaling pa din sa paghawak ng negosyo nagtataka nga ako hanggang di niya pa din binibigay sa akin ang maging isang pinuno siguro nga kulang pa aking kakayahan matapang lang ako sa mga tauhan ko pero kay papa duwag ako.

Pagdating namin ng mansion sinalubong agad ako ng tauhan ni papa.

"Boss kanina pa naghihintay si pinuno sa inyo"

"Nasaan si pinuno" sa harap ng mga tauhan niya iyon ang tawag ko sa kanya tanda ng paggalang sa kanya.

"Sa library boss"

"Sige salamat"

Pumasok na kami ni Steven naabutan pa namin may kausap siya sa telepono.
Hindi nagtagal tinapos nya na ang pakikipag usap sa telepono.

"Kamusta ung pinapagawa ko sa iyo
Bryan may balita na ba"

"Wala pa po pero ginagawa naman po lahat ng paraan ng mga tauhan ko"

"Ang bagal naman ng mga tauhan mo
mag isang buwan na iyon mas maganda siguro kung mga tauhan ko na lang ang gagawa"

"Huwag kayong mag alala papa sa susunod na punta ko dito dala ko na ung pinapagawa ninyo"

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon