CHAPTER 19

175 14 3
                                    

BRYAN

Mula sa kanyang lagpas balikat na buhok,may di kalakihang mata,matangos na ilong,mga labing kay sarap halikan at higit sa lahat ang mapang akit niyang hinaharap.

Hindi ko maiwasang di siya titigan.

"Boss" bulong sa akin ni Joel habang ang aking mga mata titig na titig sa magandang babae sa aking harapan.

"Fuck" bulong kong mura sa aking sarili sabay galaw ko sa aking ulo.

"Good afternoon! Mr.Mondragon" may ngiting bati sa akin ni Ms.Uy.

"Pati ba naman boses nito mapang akit din!fuck!"bulong ko ulit sa aking sarili daig ko pa ang nawawala sa aking sarili.

Bahagya kong ginalaw ang aking katawan.

"Good afternoon to Ms.Uy! Sit down pls." pormal kong anyaya kay Ms.Uy at sa kanyang kasama.

"Thank you! Mr.Mondragon" sabay upo nila ng kanyang kasama.

"Juice or coffe" alok ko kay Ms.Uy.

"Coffee na lang little bit of sugar" mahinhin niyang sagot sa akin habang ang mga mata niya nakatitig sa akin.

"Marifel two cups of coffee please" utos ko kay Marifel bahagya kong iniwas ang aking tingin.

Tumango lang si Marifel sa akin tanda ng pag sang ayon. Tumayo din ang secretary ni Ms.Uy  para samahan si Marifel.

"How's my proposal?" panimula ni Ms.Uy sabay abot ng papel sa akin.

"Actually nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi" malumanay kong sagot.

"Bakit hindi mo ba nagustuhan ang aming kumpanya?" tanong sa akin ni ms.Uy.

"Hindi naman sa ganon na ayaw namin sa kumpanya ninyo nagtataka lang ako! Bakit sa dinami daming kumpanya dito sa Pilipinas? Bakit sa kumpanya pa namin gusto ninyo mag invest? Ano meron sa amin na wala sa iba,Ms.Uy?" sunod sunod kong tanong kay Ms.Uy na halos hindi ko siya hiniwalayan ng tingin.

"Simple lang Mr.Mondragon,sabihin na nating kilala ang inyong kumpanya hindi lang dito sa Pilipinas maging sa karatig na bansa at higit sa lahat most powerful company" sagot sa akin ni Ms.Uy habang ang mga mata lumalaban din sa akin ng titigan.

"Hindi pa rin ako kumbinsado sa sagot mo kung tutuusin kahit wala ang supurta ng kumpanya namin kaya kaya ninyong maki pag kumpitinsya sa ibang kumpanya" kampante kong sagot habang sinasandal ko ang likod ko sa upuan.

"Alam namin iyon kaya nga kami makikipag partnership sa inyo para mas lalong makilala aming kumpanya   sa pamamagitan ng inyong kumpanya mas lalong mapalawak ang aming koneksyon" paliwanag nito sa akin,pakiramdam ko unti unti na akong bumibigay dahil sa magaganda niyang sagot.

"So! Gagamitin ninyo ang aming kumpanya,ganon ba Ms.Uy" mabilis kong sagot sa kanya para maikubli ang aking nararamdaman.

"Hindi sa ganon Mr.Mondragon" ayon naman ang boses niya napakalambing. Agad akong napasenyas kay Joel na nasa aking likod.

"Boss!" bulong ni Joel sa akin.

"Iyong kape! Nasaan na?" bulong ko kay Joel.

Mabilis lumabas ng conference room si Joel kami na lang ni Ms.Uy ang naiwan sa loob. Isinandal ko ulit ang aking likod sa upuan sabay hilot ng aking sentido.

"Ano ba ang dapat kung gawin Mr.Mondragon para mapapayag ka" tanong ni Ms.Uy habang dahan dahang lumalapit sa aking likod.

"Ganito ba Mr.Mondragon" sabay hilot nito sa aking sentido. "Oh! Ganito" sabay himas ng kamay nito sa aking dibdib.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon