BRYAN
Nagulat ako sa ginawa ni Kate hahalikan ko rin sana siya,ngunit mabilis siyang nakatakbo sa kitchen area.
"Fuck!!!" inis kong mura ninakawan ako ng halik.😂
Umakyat na ako sa aking kuwarto para makapahinga. Pagod man ako sa maghapon masaya naman ako sa ginawa ko para kay Kate kahit di maganda ang pag uusap nila magkapatid.
Nagbihis lang ako at agad nahiga sa aking kama. Sa laki ng kama ko kahit tatlo pang tao kasya,kumuha ako ng isa sa unan ko at niyakap iniimagine ko na si kate ang unan para ko na ring kayakap si Kate.
Kinabukasan maaga akong nagising gusto ko ulit hihatid si Kate sa school nila. Agad akong bumaba at nagtungo sa kitchen area.
"Manang Melba"tawag ko sa yaya ni Kate habang busy sa pagluluto.
"Sir Bryan! good morning" bati sa akin ni manang Melba na ngayon nakaharap na sa akin.
"Good morning din po! Si Kate po? tanong ko kay manang Melba habang nakatingin ako sa kanilang kuwarto.
"Baka tulog pa kasi ganitong oras gising na iyon naghahanda na sa pagpasok" paliwanag sa akin ni manang Melba.
"Paki gising po sabihin ninyo sabay kaming mag breakfast" utos ko kay manang Melba.
"Sige sir" sagot ni manang Melba patungo sa kanilang kuwarto.
Samantala mabilis nagtungo ng kuwarto si manang Melba agad ginising ang alaga.
"Kate...kate" gising ni manang Melba sa kanyang alaga.
"Inay Melba inaantok pa po ako" sagot ni Kate sabay taklub ng kumot sa katawan.
"Dyosme kang bata ka tanghali na naghihintay si sir Bryan sabay daw kayo mag breakfast" sabi ni manang Melba sa alaga sabay hawi sa kumot.
"Po! Tama po ba yong narinig ko si sir Bryan sasabayan kong kumain ng breakfast" tanong ni Kate kay manang Melba parang di maka paniwala.
"Tama ang narinig mo! Bakit dati naman nating kasabay kumain yon ha ang kaibahan lang ngayon kayo lang dalawa" paliwanag ni manang Melba kay Kate.
"Po! kami lang dalawa" nagulat pang tanong niya kay manang Melba.
"Oo nga kayo lang dalawa hala bumangon ka na diyan at mag ayos ng sarili mo" tulak ni manang Melba kay Kate.
"Opo" sabay tayo ni Kate.
"Bilisan mo na Catalina huwag kalimutan mag toothbrush at maghilamos mayroon ka pang panis na laway sa iyong bibig" biro ni manang Melba sa alaga sabay labas nito ng kuwarto nila.
"Inay Melba" sigaw ni Kate ngunit nakalabas na ang matanda.
Tawa tawa namang lumabas ng kuwarto si manang Melba.
"Inay Melba breakfast daw po ni sir Bryan at kate" sabi ni Britney.
"Halika tulungan mo ako maghanda" yaya ni manang Melba kay Britney.
"Sige po! Ito po ba yong pagkain?" tanong ni Britney kay manang Melba habang busy sa pag ayos ng pagkain.
"Oo sige dalhin mo na yang nasa tray pagkain yan ni sir Bryan! Ako na ang magdadala nong kay Kate" utos ni manang Melba kay Britney.
"Sige po" sagot ni Britney.
Magkasunod namang lumabas so Britney at manang Melba.
"Hala tawagin mo na sir Bryan sabihin mo naka ready na ang pagkain" utos ni manang Melba kay Britney.
"Sige po" sagot ni Britney agad tumalikod papuntang living room.
KATE
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin kung totoo ang sinasabi ni inay Melba na mayroon akong panis na laway pagtingin ko wala naman nilluluko lang ako ni inay Melba.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomantizmPaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...