KATE
Sakay kami ng kanyang sports car agad kaming nagbiyahe papuntang resthouse niya sa Tagaytay. Masaya ang naging biyahe namin sir Bryan habang nasa biyahe kami hawak pa niya ang isa kong kamay. Kung minsan nakikita ko pang hinahalikan niya.
Bago pa kami nakarating ng kanyang resthouse dumaan kami ng picnic grove. Magkahawak kamay naming pinagmasdan ang Taal lake.
"Sir Bryan! Tingnan nyo po ang ganda ng view silfie po tayo" sabay labas ko ng aking cellphone. Nong pipindutin ko na ang camera hinalikan niya ako sa pisngi. Sabay click ng camera. Feeling ko pulang pula na naman ang mukha ko sa hiya. Bakit kasi sa marami pang tao niya ako hinalikan?
"Ikaw naman kunan ko ng litrato" alok sa akin ni sir Bryan habang nilalabas nito ang sariling cellphone.
Agad akong nagpose dinaig ko pa ang isang modelo at sir Bryan ang photographer pose dito. Pose Doon ang ginawa wala naman akong narinig na reklamo kay sir Bryan.
"Patingin po ako" sabi ko kay sir Bryan akma na niyang itatago ang cellphone sa pantalon.
"Ayaw ko nga akin lang ito" sabay tago ng cellphone sa bulsa.
"Ang daya nyo naman" pinalungkot ko ng kunti ang boses ko bakasakaling makonsensya siya at ipakita sa akin ang picture ko.
"Bakit ako naging madaya?" nakangiti niyang tanong sa akin sabay haplos sa aking mukha.
"Ah basta po madaya kayo ayaw ko na sa inyo" sabay back out ko.
"Hey! Catalina" tawag ni sir Bryan.
"Ano po ang tawag ninyo sa akin?" sabay pihit ko paharap sa kanya.
"Kate" sagot niya sabay lapit sa akin at walang babalang hinalikan ako sa labi. Kahit smack lang yon nakakahiya sa dami ng tao feeling ko lahat sila nakatingin sa amin.
Nagback out ulit ako mabilis akong lumakad palayo kay sir Bryan pero mas mabilis siya maglakad parang kabayo. Agad niyang hinawakan ang aking kamay.
"Hindi pa tayo bati! Hindi mo ako makukuha sa mga halik mo" kunwari kong sabi kay sir Bryan habang naglalakad kami papuntang parking area. Biglang may humarang sa aming dadaanan.
"Ma'am! Sir bili na po kayo matamis" alok sa amin ng batang nagtitinda sa parking area ng ibat ibang candy na nakalagay sa bilao.
Bigla kaming napahinto dalawa ni sir Bryan mas lalo akong namangha sa aking nakita nag iskwat sir Bryan para magpantay sila ng bata.
"Magkano lahat itong tinda mo" tanong ni sir Bryan sa bata nasa edad walong taon.
"Two hundred po lahat ito" magalang na sagot ng bata.
"Sige bibilhin ko lahat yan"
"Talaga po! Yeeheeyy" kitang kita ko ang saya sa bata halos mapalundag pa ito sa saya.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
Roman d'amourPaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...