KATE
Habang nasa biyahe kami di ko maiwasan di titigan si sir Bryan. Parang lalo siyang gumagwapo sa aking paningin kung bibigyan ko siya ng rate one to ten ang rate niya ten total package tall dark and handsome. Mas bagay pala sa kanya pag naka plain shirt and jeans sabagay kahit naman siguro basahan ipasout kay sir Bryan bagay pa din sa kanya.
"Ano tapos ka na bang titigan ako?" nagulat ako sa bigla niyang tanong.
Sa sobrang hiya ko hindi ako nakasagot kay sir Bryan pakiramdam ko pulang pula ang aking mukha dalawang beses na niya ako nahuli na nakatitig sa kanya ibinaling ko na lang ang aking mga mata sa bintana ng sasakyan nadinig ko pang tumatawa si sir Bryan.
Hindi ko na siya pinansin nagulat ako ibang daan na ang tinatahak namin.
"San po tayo pupunta" tanong ko kay sir Bryan habang di ko pa rin maalis ang aking paningin sa labas parang pamilyar sa akin ang daan.
Nasa Cavitex Expressway kami palabas na kami ng Cavite at papasok ng Manila.
Kaya pala pamilyar sa akin ang daan naalala ko pa non tuwing may mag birthday sa amin magkapatid dinadala ni mama sa Baclaran para magsimba noon parang iisa lang ang tollgate dito ngayon moderno na at maganda malinis at saka wala masyadong traffic.
"Surpise" nakangiti niyang sagot sa akin. Mas lalo siyang gumagwapo pag ngumiti. Ang puso ko ang lakas ng pintig hihimatayin ata ako.BRYAN
Balak ko siyang dalhin kay Jake kanina kasi nadinig kong hinahanap ni manang Melba si Jake kay Steven. Siguro nag alala din si Kate kay Jake nong isang gabi pa niya hinahanap ang kuya niya sa akin.
Dahil walang trapik mabilis kaming nakarating ng Makati sa condo ni Rena ang aking kaibigan / secretary.
Mabilis akong bumaba sa sasakyan at pinagbukas si Kate ng pintuan.
"Let's go someone waiting for you" yaya ko kay Kate agad kong hinawakan ang kamay niya.
Nag saludo ang guwardiya sa akin tanda na kilala niya ako.
Sakay kami ng elevator papuntang yunit ni Rena parang nag alangan pa si Kate baka iniisip niya kung sino naghihintay sa kanya?
Pinindot ko ang doorbell agad naman bumukas ang pintuan ng condo ni Rena.
"Boss" gulat na bati ni Jake.
"Kuya Jake " bati ni Kate sabay yakap sa kuya niya.
"Pasok kayo" alok ni Jake tuluyang binuksan ang pintuan.
Tumayo agad si Steven nong nakita na pumasok kami ni Kate.
"Boss" bati ni Steven.
"Ano ginagawa mo dito?pati ba naman ikaw gusto mo rin tumambay dito sa unit ko" tanong ni Rena kakalabas lang nito sa kanyang kuwarto.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomancePaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...