CHAPTER 7

337 19 6
                                    

Bryan

Nakita kong tumabi si KATE kay Steven kaya tinawag ko si Steven para siya ang pagsalitain ko sa meeting namin.

Naguluhan man si Steven sinunod pa din niya nakatayo ako ngayon sa tabi ni Michael tinakpan ko si Kate. Naiinis ako nakita ko kasi ang sout niya talaga bang sinasadya niya na ganon ang isuot na damit.

Umatras ako para magkatabi Kami ni Kate sa likod ni Michael.

"Hindi ka ba natatakot sa akin o sadyang matigas lang ang ulo mo" bulong ko sa kanya.

"Bakit po"

"Tingnan mo yang sout mo"

"Bakit ano pong masama sa sout ko"

"Magpalit ka ng damit o ako ang magpapalit sa iyo"

Sabay tingin ko sa kanya ng masama. Hindi na siya nagsalita mabilis niya akong tinalikuran. Akala ko magbibihis siya un pala pumunta lang sa kuya niya.Sa inis ko umalis ako sa meeting balik ako sa mini bar ko iniisip ko hindi takot sa akin.
Napamura na lang ako"Damn it"

Kate

"Kuya sino po sila" sabay nguso ko sa dalawang babae.

"Makakasama ninyo dito sa bahay"

"Mamaya baka pakilala din ni Steven"

Nakinig na lang ako ng meeting namin.

"Tradisyon na kay boss Steven ang pagkain ng sabay sabay ngunit ang araw ng linggo ang espesyal dahil lahat ay tulong tulong sa paghanda ng pagkain bukas asahan ni boss ang inyong pagtulong" paliwanag ni Steven.

"Maasahan ni boss ang aming tulong"
sagot ni Michael.

"Siyanga po pala inay Melba si Britney at Cristina makakasama ninyo ni Kate dito sa bahay" pakilala ni Steven.

"Kate samahan mo sila sa kwarto natin"

"Sige po tara" yaya ko sa dalawa.

Papunta kaming kwarto namin binuksan ko at pinatuloy ang dalawa.

" Ako pala si KATE"

"Ako naman si Britney at siya si Cristina magpinsan Kami siguro mag kasing edad lang tayo tatlo 21 na kami"

"Ako mag 21 na din ako sa December 27" sagot ko sa kanila.

"Bakit ang daming lalaki dito mababait ba sila pero ang guguwapo nila lalo ung si sir Bryan saka ung nagsasalita kanina Steven ba un saka iyong isa katabi mo"

"Ah kuya ko un si kuya Jake"

"Ano ba sila dito" tanong ni Britney.

"Mga tauhan sila ni sir Bryan"

"Ang ganda naman ng kwarto parang bahay din kumpleto sa gamit" komento ni Cristina.

"Ito pala ang kwarto ninyo ito naman sa amin ni nanay Melba"

Pinasok na ng dalawa ang bag nila at lumabas na din kami nadatnan naming abala na sila nanay Melba sa paghahanda ng hapunan kahit mga lalaki ung kasama namin tumutulong sila.

"Kate patawag na si sir Bryan kakain na tayo" utos ni inay Melba sa akin.

"Opo" sagot ko. Nagtanong lang ako kay Steven kung saan ko makikita si sir Bryan sa mini bar ng bahay niya.
Ngayon ko lang nalaman may mini bar pala itong bahay niya sabagay di ko naman nalibot ang boung bahay.

Ngayon ko lang nalaman may mini bar pala itong bahay niya sabagay di ko naman nalibot ang boung bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon