Third Person
"Ganon ha ngayon malalaman natin kung ! Sino ang walang lovelife sa atin?" bulong ko sa aking sarili.
Sabay labas ko sa aking opisina agad akong nagtungo sa bar counter ng club,senenyasan ko ang isa sa bouncer namin na lumapit sa akin.
"Boss may kailangan kayo" si Logan isa sa mga bouncer ko di kalakihan ang katawan pero kayang kaya niyang ibalibag sa labas yong mga customer na pasaway.
"Logan pag dumating yong boyfriend ni Mariel huwag mong papasukin at si Mariel huwag mong papalabasin naintindihan mo sabihan mo rin mga kasama mo " utos ko kay Logan.
"Areglado boss! Paano boss kung pumalag yong boyfriend" parang nagdadalawang isip na tanong ni Logan sa akin.
"Alam nyo na ang gagawin!ako na bahala kay Mariel" sagot ko kay Logan.
"Sige boss" sang ayon nitong sagot.
Agad akong nagtungo sa VIP room doon ko na lang hintayin si pinuno at aking mga kapatid
Bryan
Mabilis kaming nagbiyahe ng aking tauhan papuntang Francisco's club sa Makati.
Habang sa biyahe tiningnan ko ang aking cell phone kung may text si Kate.Napangiti ako kasi may isang text don di nga ako nagkamali galing kay Kate ang text.
"Sorry! may klase kami" text ni Kate.
Agad kong tinawagan si Kate,naka tatlong ring bago niya sinagot.
"Hello po" sagot niya sa kabilang linya.
"Hello Kate " malumanay kung sagot habang ang aking mga mata nakatingin sa labas.
"Sir Bryan! Nasaan na po kayo! Bakit di pa po kayo umuuwi?" sunod sunod niyang tanong.
"May pinuntahan lang kami pauwi na din kami" mas lalo ko pang pinalambot ang aking tono.
"Si kuya Jake po ba kasama ninyo at si Steven" nasa tono ng boses niya ang pag alala.
"Hindi ko sila kasama iba ang lakad nila baka pauwi na din sila" kalmado kong sagot sa kanya.
"Ganon po ba uwi na din po kayo na miss na po kita,maghapon ko po kayong di nakita" parang boses ng isang bata na naglalambing.
Bakit ba ang lambing ng isang ito,parang gusto ko na lang umuwi.
"Sige tatapusin ko lang ginagawa ko uuwi na din kami" bahagya kong sagot kay Kate.
"Sige po hihintayin po kita,mag ingat po kayo"
"Huwag mo na akong hintayin ok may pasok ka pa bukas"
"Sige po ingat po kayo"
"Sige matulog ka na! Gud nigth"
"Gud nigth po"
Agad kong binulsa ang aking cell phone ngiting ngiti ako na parang babaeng kinikilig "fuck!".
Hindi ko namalayan nasa harap na pala kami ng Francisco's club.Agad akong bumaba sa aking sasakyan kasunod ko si Joel at Michael.
Pagpasok namin sa loob agad sumalubong sa amin ang nakakahalinang tugtog,mga tawanan, samut saring amoy na nagmula sa alak at pabango ng mga costumer ng club.Sinalubong agad kami ng isa sa tauhan ni Dos.
Sinamahan kami sa ikalawang palapag ng club mas malaki ito keysa sa unang palapag ng club nandoon ang VIP room,private room ng mga costumer at ang tinatawag nilang red room na minsan sa isang buwan may nagaganap na auction.
Dinadaan nila ito sa biding kung sino ang pinaka mataas na biding sa kanya mapapapunta ang babae? Mga mayayamang bussinesman ang kanilang parukyano na mga walang magawa sa buhay kung di maglustay ng kanilang salapi.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomancePaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...