CHAPTER 9

332 23 3
                                    

Bryan

Mabilis ko siyang hinila papuntang kitchen area buti may natira pang pagkain,pinaupo ko siya sa bangkong naroon.

"Upo ka paghanda kita ng pagkain" yaya ko kay Kate.

"Huwag na po ako na lang" sagot niya.

Ngunit di ako pumayag masaya ako napapagsilbihan ko yong taong gusto ko.

Agad kong isinilbi ang pagkain sa kanya.

"Kain ka na" sabay upo sa katabing upuan na nandoon.

"Salamat po" sabay ngiti niya sa akin.

"Kain ka lang diyan may tatawagan lang ako" paalam ko kay Kate. Ngiti lang ang tangi niyang sagot.

Dito ako sala pumunta para tawagan si Steven,agad namang sinagot ang tawag ko sadyang inaabangan talaga ni Steven ang tawag ko.

"Hello boss"

"Anong ginagawa ninyo at natakasan kayo?" galit kong tanong kay Steven.

"Boss narinig niya yong usapan namin ni Jake" sagot ni Steven.

"Ginagawa nyo ba talaga ang trabaho nyo isang babae lang nagawa kayong takasan" sigaw ko kay Steven.

"Boss pasensya na di na mauulit"

"Tawagan mo si Rena sabihin mo maghanda ng financial report sa lunes ihanda kamo lahat ng kailangan" utos ko kay Steven.

"Areglado boss"

"Sige na" paalam ko kay Steven.

"Sige boss" agad kong binulsa ang cell phone ko.

Kate

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at hinugasan ko na din ang aking Plato at lumabas ako ng kitchen,inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay simple lang ang mga kagamitan dito di tulad ng nasa mansion moderno ang kagamitan ni Dracula.

Habang nakamasid ako sa mga kagamitan sa loob ng bahay pa simple kong hinanap si Dracula.

Agad ko siyang nakita sa may sala,seninyasan niya akong maupo sa tabi niya agad kong lumapit at naupo.

"Sa susunod huwag mo na ulitin iyong ginawa mo may mag alala sa iyo" sabay kabig niya sa akin nakasiksik tuloy ako sa katawan niya.

"Opo promise" sagot ko daig ko pa ang batang senermunan ng isang ama.

"Magpahinga ka na maaga tayo aalis bukas"

"Di pa ako inaantok" sabay higa ko, yong mga hita niya ang ginawa kong unan ngunit narinig ko naman siyang nagmura ng pabulong."fuck...fuck!"

"Baby huwag ka masyadong malikot may nangangagat diyan" sabay ayos niya sa ulo ko.

"Bakit po may alaga po ba kayong nangangagat" tanong ko sa kanya.

"Ah!baby ibig kong sabihin fuck!"

"Gusto ko po siyang makita baka sakaling alagaan ko po siya di na po
siya mangangagat"

"Soon...baby ipakilala kita sa kanya"

"Sige po hihintayin ko po"

Bryan

Dito kami sa sala, nakahiga siya ginawa pang unan ang mga binti ko,ilang beses ako napamura napaka inosente talaga niya.Hindi ko alam ang isasagot sa kanya kung ano yong nangangagat buti tumigil siya ng tanong sa akin.

Nang silipin ko tulog na pala dinig ko pa ang mahina niyang hilik. Dahan dahan ko siyang binuhat at dinala sa aking kwarto agad ko siyang binaba sa aking kama at kinumutan.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon