CHAPTER 22

210 16 5
                                    

BRYAN

Nawala lahat ng pagod ko ng makita ko si Kate sa garden. Nag iisa at mukhang may hinihintay. Agad akong lumapit sa kanya at tinabihan.

Hindi ko alam sa aking sarili.Bakit naitanong ko sa kanya ang tungkol sa love at first sight?

Seryoso kaming nag uusap ng may biglang tumkhim sa aming harap.

"Ehemm! Excuse me lovers" sabay lapit sa amin ni Steven.

Naramdaman ko pa ang paghila ni Kate sa kanyang kamay na hawak ko.

"Boss"bati sa akin ni Steven na nakasign peace ang isang kamay.

"Istorbo" bulong ko kay Steven ng umupo sa aking tabi. Kitang kita ko pa ang mga ngising aso ni Steven.

"Kate! Heto na pala yong bag mo" sabay abot ng bag kay Kate.

"Salamat" sabi ni Kate kay Steven may kasama pang ngiti. Nakita ko din ang pag ngiti ni Steven kay Kate.

"Fuck" sabay tayo ko sa aking upuan at walang paalam akong umalis.

"Ano nangyari don?" dinig ko pang tanong ni Kate kay Steven.

"Jealous man" sagot ni Steven.

"Fuck you! del Prado" hindi ko mapigilan isigaw kay Steven.

Dinig ko pa ang pagtawa ni Steven.

"Halika na Kate hayaan mo na iyon, mag charge ka na baka naghihintay na si Nathalie sa chat mo" yakag ni Steven Kate.

"Oo nga pala" sabay tayo at nagsimula ng lumakad ang dalawa.

Kinabukasan maaga pa lang gumising na ako kailangan kong puntahan si pinuno dahil kahapon kinumpirma sa akin ni Marifel na hindi siya nakakuha ng appointment kay pinuno.

Mabilis ang naging biyahe namin ni Jake papuntang Quezon city. Hinarang pa ako ng kanyang sekretarya ayaw ako papasukin dahil wala akong appointment. Kailangan pa ba iyon mga anak kami ng pinuno.

"Sir Bryan! Sorry talaga ayaw mag paistorbo ni Mr.President" harang sa akin ng secretary ni pinuno.

"I don't need your fucking explanation! Ang kailangan ko si pinuno! Till him Im here" sigaw ko sa secretary ni pinuno.

"Sorry sir! Sumusunod lang po ako sa utos ng nakakataas sa akin" malumanay na sagot ng secretary ni pinuno.

"Okay I understand" sabay hawak ko sa doorknob ng pintuan ng opisina ni pinuno.

"Sir" dinig kong tawag sa akin ng secretary ni pinuno. Ngunit di ko siya pinansin tuloy tuloy ako sa loob ng opisina ni pinuno.

Bumungad sa akin si papa at Ms.Uy, seryosong nag uusap.

"Mr.President sorry po nagpupumilit po siyang pumasok" salita ng secretary ni pinuno na nasa aking likod.

"It's okay! Go" taboy ni pinuno sa kanyang secretary.

Agad bumaling sa akin ang tingin ni papa.

"Please sit down Klint" alok sa akin ni papa siya lang ang bungod tanging tumatawag sa akin ng first name ko.

"Ano ibig sabihin nito papa mula sa pagiging investor ngayon board of director na ganon ba siya kalakas sa inyo?" tanong ko kay papa na nakatingin kay Ms.Uy nakita ko pa ang pagngiti nito sa akin.

"Sir! Mauna na po ako" dinig kong paalam ni Ms.Uy kay papa.

Dahan dahan naman akong lumapit sa mesa ni papa. Kita kong ngumiti lang ang papa kay Ms.Uy. Mabilis ang naging paglabas ni Ms.Uy.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon