CHAPTER 5

270 8 2
                                    

Bryan

"Sakay" sigaw ko sa kanya.

Ngunit parang walang narinig nakatayo lang siya sa harap ng aking sasakyan.

Umikot ako papunta sa kanya.

"Sakay" sabay hawak sa kanyang braso.

"Bitiwan mo ako ano ba" pilit niyang binabawi ang braso niya sa pagkahawak ko.

"Sino ka ba bitiwan mo ang kaibigan ko"

"Huwag kang makialam dito kung ayaw mo pati ikaw madamay" sagot ko sa kaibigan niya.

"Kate" dinig kong tawag ng kaibigan niya.

"Ok lang ako sige na"

"Sino siya Kate"

"Tatawagan na lang kita mamaya"

"Mag ingat ka kate"

"Tama na iyan" sabay hila sa kanya agad kong pinasakay siya sa aking sasakyan.

Muli akong umikot papuntang driver seat tahimik lang siya sa tabi ko.

"Seatbelt mo ayusin mo" sabi ko sa kanya pero nakatungo lang siya habang kinakabit ang seatbelt niya.

Pinaandar ko agad ang aking sasakyan habang nasa biyahe kami titingnan ko sana siya ngunit ibinaling niya ang mukha sa tabi ng bintana.

Kate

Nong narinig ko kanina na pati si Nathalie madadamay doon ako natakot ayaw kong pati kaibigan ko mapahamak kaya sumama na lang ako para walang gulo.

Na kuntento na lang akong panoodin ang mga naglalakihang building na aming nadadaanan.

Ayaw ko rin naman siyang kausapin naiinis ako at galit sa kanya sakit tuloy ng braso ko na hinawakan niya kanina.

Hindi ko alam kung anong lugar itong aming nadadaanan basta pagkaalam ko nakalabas na kami ng Cavite.

Maya maya pa huminto kami sa isang mataas na gate nag busina lang siya bumukas agad ang gate.

Namangha ako sa laki ng bahay at ang ganda wala sa kalahati ung bahay namin.


Nauna na akong bumaba pero nauna siyang pumasok sa loob di man lang ako hinintay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nauna na akong bumaba pero nauna siyang pumasok sa loob di man lang ako hinintay. Mas lalo akong namangha pagdating ko sa loob.

"Ang ganda naman"bulong ko sa aking sarili.

"Anak nandito ka na" tawag ni inay Melba.

Di ko namalayan ang paglapit ni inay Melba sa akin.

" Ang kuya Jake po nasaan kasama din po ba natin siya" sunod sunod kong tanong kay inay Melba.

"Oo halika na dito tayo sa kusina" yaya ni inay Melba sa akin.

"Wow ang laki naman ng mesa nila marami po bang kumakain dito"

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon