CHAPTER 16

285 14 2
                                    

BRYAN

Mula sa CCTV sa labas ng aking bahay kitang kita ng dalawa kong mata ang pag baba ni Kate sa isang kotse. Hindi ko nakita ang iba pang sakay nito. Mabilis akong bumaba mula sa aking kuwarto at dumeritso ng kitchen area.

Hindi ko binuksan ang ilaw sa kitchen area maya maya pa may isang anino ang dahan dahan pumasok parang isang magnanakaw walang kaingay ingay na nakapasok sa loob ng bahay.

Pipihitin na sana ni Kate ang seradura ng pintuan ng kanilang kuwarto agad kong binuksan ang ilaw kaya biglang napasigaw si Kate. Agad ko siyang hinila papuntang dinning area doon nagkasigawan kaming dalawa nakita ko na lang na umiiyak siya kaya mabilis ko siyang hinalikan sa noo at tutok ng ulo at nag sorry ako sa paninigaw ko sa kanya.

KATE

Tunog ng aking cellphone ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog gusto ko pa sanang matulog kasi wala naman kaming pasok pag sabado. Kaso hindi puwede maraming naghihintay na trabaho sa akin mula ng magkasundo kami ni sir Bryan tuwing sabado na lang ako nagtratrabaho para maka pagconcentrate ako sa aking pag aaral.

Kahit tamad akong bumangon pinilit ko ang aking sarili ginawa ko ang daily morning habit ko hilamos ng mukha toothbrush suklay ng buhok nagpalit ng damit at kunting ayos ng sarili ng makuntento na ako lumabas na ako ng aming kuwarto.

Kukuha sana ako ng tubig sa ref.may nadinig akong asaran sa may dinning area lumapit ako sa pintuan ng kitchen area at nakinig.

"Nakita mo lang kasi sa fb ko na nagpost ako may kasamang babae kaya nagkakaganyan ka na" boses ni kuya Michael aking nadinig.

"Ako magseselos mukha mo" dinig kong sabi ni Cristina.

"Ang mukhang ito"sabay turo ni kuya Michael sa sariling mukha." Kaya kaya kang buhayin ng mukha na ito" sagot ni kuya Michael kay Cristina.

"Hahahaha! Bakit iyan ba ang ipapakain mo sa magiging anak mo?"
tawang tawa ni Cristina habang tinanong si kuya Michael.

"Ibig kong sabihin ito ang maging asset ko sa paghahanap ng work! O tingnan mo pwede pang model yan" sabay pose ni kuya Michael pati ako natatawa sa itsura niya.

"Hahaha! Model ba kamo model ng patis pwede pa kasi iyang mukha mo mukhang patis" pang aasar ni Cristina kay kuya Michael.

"Grabe siya oh! Halikan kita diyan" banta ni kuya Michael kay Cristina.

"Sige subukan mo heto ang ipapahalik ko sa iyo" sagot ni Cristina habang nakaamba kay kuya Michael ang kamao.

Kakamot kamot lang si kuya Michael sa kanyang ulo.

Bago pa ako mahalata ng dalawa lumabas ako sa likod ng pintuan.

"Kate halika na sabay sabay na tayong kumain" alok sa akin ni Cristina.

"Sige" habang ginagala ko ang tingin ko sa boung bahay.

"Wala si boss maaga sila umalis ni Steven may lalakarin ata" nakahalata siguro si kuya Michael sa akin.

"Si inay Melba at Britney! Saan?"bulong kong tanong kay Cristina.

"Sinundo nila si kuya Dante hindi pa nakabalik"sagot ni Cristina sa akin.

"O! Ayan na pala" turo sa akin ni Cristina magkasunod pumasok ang tatlo mula sa living room. Tatayo sana ako para puntahan si inay Melba ngunit sumenyas lang ito sa akin na maupo. Si kuya Dante naman di maipinta ang mukha at si Britney.

Tahimik lang kaming kumain walang isa man sa amin ang nagsalita.

"Michael mamaya samahan mo kami mamili ng stock" sa wakas nagsalita na si inay Melba.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon