KATE
Hindi ko akalain magagawa iyon ni sir Bryan. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Kahit simply very romantic and cute.
Wala akong masabi basta kinikilig ako. Naramdaman ko na lang niyakap niya ako at hinalikan.
"Come here!!!" hila ako ni sir Bryan papuntang banig. Inalalayan niya ako sa pag upo sa banig.
Saka mabilis siyang umupo sa aking harapan hawak ang cake.
"Happy birthday to you!!!" dinig na dinig kong kumakanta si sir Bryan.
"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you! Happy birthday babykate ko!!! Make a wish"
"Thank you po" sabay halik ko sa labi ni sir Bryan.
"Your welcome! Blow your candle and make a wish" nakangiting sabi sa akin ni sir Bryan habang hawak ang cake.
Sandali kong pinikit ang aking mga mata. Sabay ihip ng kandila.
"For you" sabay abot ni sir Bryan ng bulaklak sa akin. Wow bouquet of roses.
"Thank you very much" lambing kong sabi kay sir Bryan sabay yakap ko sa kanya.
"Always welcome babykate" bulong ni sir Bryan sa puno ng aking tainga. Ayon na naman ang pakiramdam ko may kung anong kiliti ang pumasok sa aking katawan?
Bago pa ako mawala sa sarili ko agad akong kumalas kay sir Bryan.
"Pwede po ba ito sa akin" hawak ko ang bote ng champagne.
"Oo naman may permiso ako kay Jake" nakangiti niyang sagot sa akin.
"Payag po kayo na uminom ako"
"Oo naman para pag mag asawa na tayo hindi na ako dadayo sa mga bar o club tayong dalawa ang uubos ng collection kong alak sa mansion" nakangiting paliwanag sa akin ni sir Bryan habang binubuksan ang champagne.
Tama ba ang nadinig ko kay sir Bryan. Maging asawa niya ako.
"Ano iniisip mo?" seryosong tanong sa akin ni sir Bryan. Habang nilalagyan ng champagne ang aming baso.
"Wala po" tipid kong sagot.
"Here! Ladies first"
"Bakit po ang kunti? Tapos yong sa inyo halos kalahati" reklamo ko kay sir Bryan habang nakatingin sa kanyang baso.
"Kasi nga baby ka pa ako malaki na" nakangiti niyang sagot sa akin sabay haplos sa aking mukha.
"Ang daya nyo talaga! Saka hindi na ako baby"
"Para sa akin baby ka pa ikaw ang babykate ko" lambing na sagot ni sir Bryan sa akin.
Pakiramdam ko para ng bibigay ang aking sarili. Kung bakit kasi ang lambing lambing ni sir Bryan?.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomancePaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...