KATE
Araw ng linggo busy naman ang lahat sa paghahanda para sa bisita ni sir Bryan. Tumulong ako kay inay Melba sa paglalagay ng mga pagkain sa lalagyan.
"Inay Melba pinasasabi na po ni sir Bryan ang pagkain ihanda na po"dinig kong sabi ni Britney kay inay Melba na ngayon tapos na namin ilagay lahat ng pagkain sa lalagyan.
"Sige ilabas na natin itong pagkain" utos ni inay Melba.
"Sige po" sagot ni Britney.
Agad naman akong tumulong magdala ng pagkain sa labas. Pagdating ko sa labas nagulat ako at may tumawag sa akin. Si ate Rena pala ang tumatawag nakaupo sila ni sir Bryan sa bandang garden na madalas tambayan sa umaga ni sir Bryan kapag kausap niya mga tauhan niya.
"Kate"agad lumapit sa akin si ate Rena na nakangiti.
"Ate Rena! Kamusta na po kayo?"tanong ko kay ate Rena habang inaayos sa mesa yong pagkain na dala ko.
"Ok lang ako! Ikaw kamusta ka na" balik tanong ni ate Rena sa akin.
"Ok lang din po!"nakangiti kong sagot kay ate Rena.
"Parang hindi ka ok nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot mo"puna sa akin ni ate Rena.
"Hindi po walang problema ok lang talaga ako promise!"nakangiti kong sabi kay ate Rena.
"Kamusta pala kayo ni Bryan"
"Po!"nagulat ako sa tanong ni ate Rena"
"I mean! Alam mo na sinagot mo na ba" tanong ulit ni ate Rena.
Nagugulat talaga ako sa mga tanong ni ate Rena sa akin.
"Po!"sagot ko ulit kay ate Rena.
"Ano ba yan wala ka na bang isasagot sa akin kundi po?"nakangiti niyang reklamo sa akin.
"Hindi po hindi naman siya nanliligaw sadyang mabait lang po siya sa akin"sagot ko kay ate Rena.
"Mabuti nga mabait siya sa amin lagi na lang kami ang inaaway kapag hindi nasusunod ang gusto niya"
"Ate Rena matagal na ba kayong magkaibigan ni sir bryan"tanong ko ate Rena na ngayon nakaupo kami sa kinauupuan nila kanina ni sir Bryan.
"College days nag simula kaming maging magkaibigan galing akong probinsya wala akong kilala at walang kaibigan sa university kung saan doon din sila nag aaral magkapatid kaya lang ako nakapag aral gawa sa scholarship ko nagulat na lang ako isang araw tumabi sa akin nagpapagawa ng assignment at project niya.Sa tuwing may report siya,assignment at project ako ang gumagawa para sa kanya kapalit non binabayaran niya ako malaking tulong sa akin yong binibigay niyang bayad kaya simula non naging magkaibigan kami siya rin ang nagbigay ng trabaho sa akin"mahabang paliwanag ni ate Rena sa akin.
"Ang bait nya po pala"
"Depende sa isang tao kung mabait ka mabait din siya kung barumbado ka mas lalo na siya kaya kaya niyang makipag patayan makuha lang ang gusto niya"
"Nakakatakot din po pala"
"Hey!!! Huwag mo nga ako masyadong ibuko rito" galit na biro ni sir Bryan kay ate Rena na ngayon nakalapit na sa amin.
"Bakit guilty ka ba?"tanong ni ate Rena kay sir Bryan na ngayon nakaupo na sa aking tabi napapagitnaan nila ako ni ate Rena.
"Hindi naman alam mo naman na malaki ang tiwala ko sa iyo hindi mo ako basta basta ilalalag"sagot ni sir Bryan kay ate Rena.
"Malapit na huwag kang mag alala darating tayo diyan"sabi ni ate Rena.
"Renalyn sinasabi ko sa iyo"banta ni sir Bryan kay ate Rena.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomancePaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...