CHAPTER 18

259 12 15
                                    

KATE

"Catalina!!! Gumising ka na aba kanina pa nag iingay iyang cellphone mo" gising sa akin ni inay Melba.

"Po!!!"sagot ko kay inay Melba habang hinahagalap ko ang aking cellphone.

"Ano ba nangyari sa iyo at hanggang ngayon tulog ka pa din wala ka bang pasok?"mahabang tanong ni inay Melba sa akin.

"Meron po final exam po namin ngayon"tamad kong sagot kay inay Melba.

"Eh!!! Ano pa ginagawa mo malalate ka na kapag hindi ka pa bumangon diyan?"sermon ni inay Melba sa akin sabay hila niya sa aking kumot.

"Opo babangon na po"sabay tayo ko sa aming kama.

"Catalina"tawag sa akin ni inay Melba.

Ngunit di ko siya pinansin tuloy tuloy akong pumasok sa aming banyo habang nakaupo ako sa bowl,iniisip ko pa din yong halik na ipinalasap sa akin ni sir Bryan. Iyon ang dahilan kung kaya late ako nagising ngayong umaga, aminin ko sa aking sarili nagustuhan ko yong halik niya,sa edad na bente uno first time kong makaranas ng ganoong halik. Pakiramdam ko nag uunahan na naman ang paru paro sa paglipad sa loob ng aking tiyan bahagya pang gumalaw ang aking katawan kinikilig ako. Habang dinadama ko ang aking labi pakiramdam ko nandoon pa rin ang labi ni sir Bryan sa aking labi.

"Catalina!!!"tawag sa akin ni inay Melba may kasama pang katok sa pintuan ng banyo.

Mabilis akong tumayo agad kong hinubad ang aking damit at tinapat sa shower ang aking katawan.

Sout ang aking off shoulders dress and white snickers converse.

Bitbit ang aking bag agad akong lumabas sa aming kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bitbit ang aking bag agad akong lumabas sa aming kuwarto. Kumakain na sila ng aking nadatnan sa dinning area mabilis akong umupo sa tabi ni kuya Jake. Napasulyap ako kay sir Bryan nag sisimula ng kumain.

Fried rice,bacon,ham fresh fruit,bread at ang aking paboritong ulam longganisa ganado ako kumain kapag ito ang nakahain sa lamesa.

Nagsimula na din akong kumain. Tahimik ang lahat habang kumakain ganito palagi ang sitwasyon dito sa dinning area halos lahat naka fucos sa pagkain.

Unang natapos si sir Bryan agad itong tumayo at pumuntang living room. Hindi nagtagal natapos na din kaming kumain. Kasabay ko si kuya Jake palabas ng bahay.

"Jake si Steven na maghatid kay Kate may lakad tayo"utos ni sir Bryan kay kuya Jake hindi namin namalayan nasa likod namin siya.

Agad kaming humarap ni kuya Jake kay sir Bryan. Namamalik mata ba ako ang gwapo naman ni sir Bryan sa sout niyang Americana CEO talaga ang pormahan niya.

"Sige boss" sagot ni kuya Jake.

"Tara na Kate"tawag sa akin ni Steven na nasa likod ni sir Bryan.

Nauna sa amin si kuya Jake at sir Bryan sa may parking area. Mabilis naman kaming sumunod ni Steven sa kanila. Agad akong pinagbuksan ni Steven ng pintuan ng sasakyan.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon