CHAPTER 24

245 13 9
                                    

Merry Christmas po🎅🎅🎅

BRYAN

Mabilis akong umalis sa firing range. Hindi ko alam ko kaya kong ibigay kay Kate ang hiling niya na patawarin ko ang mama niya. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ba talaga ang galit ni papa kay Virginia?

Deritso ako sa bar ng aking resthouse agad nagbukas ng brandy hindi ko na nagawang ilagay sa baso ang brandy agad kong tinungga pagkabukas ko. Nasaktan ko si Kate. Bakit kasi sa daming hihilingin niya iyon pa ang napili niya? Sunod sunod kong tinungga ang brandy wala akong paki alam kung iba ang lasa niyon pag walang yelo. Parang naninikip ang aking dibdib kanina sa sinabi ni Kate hindi iyon utos mula sa kanya kundi hiling niyang pakiuasap sa akin.

"Fuck"bulong ko sa aking sarili sabay tungga sa brandy. Bitbit ang brandy lumabas ako ng bahay sa terrace ako napadpad. Malinis at madilim na boung paligid ng firing range. Kanina lang kitang kita ko sa aking mga tauhan ang saya sa kanilang mga mata. At higit sa lahat si Kate masayang masaya.

Halos masaid ko ang laman ng brandy hindi ko tinigilan hanggat di naubos. Pinaghalong brandy at antok ang aking naramdaman. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Deritso pasok sa aking kwarto agad kong binagsak sa kama ang aking katawan.

KATE

Hindi ko magawang matulog naging mailap sa akin ang antok. Pikit ang mga mata pero gising na gising ang aking diwa. Iniisip ko pa rin yong sinabi ko kay sir Bryan.

Pabaling baling ako sa aking higaan.

"Anak may problema ka ba" bulong ni inay Melba sa akin.

"Inay Melba pasensya na po kayo hindi po ako makatulog" sabi ko kay inay Melba.

"Anak! Ano ba ang gumugulo sa iyong isipan?" tanong ni inay Melba sa akin na ngayon pareho na kaming nakatihaya.

"Si mama po at kuya Joseph namimiss ko na po sila" sabay yakap ko kay inay Melba.

"Anak naalala mo noon sabi ng mama mo ng maliit ka pa kapag may bumagabag diyan sa isipan mo magdasal ka lang at baliktarin mo yang unan mo para makatulog ka" paalala sa akin ni inay Melba. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking buhok tulad ng ginagawa ni mama sa akin para ako makatulog.

"Salamat po inay Melba dahil lagi kayo sa tabi ko" bulong ko kay inay Melba nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Sus nagpapalambing lang pala ang babykate ko" sabay yakap ng mahigpit ni inay Melba sa akin.

Yakap ako ni inay Melba ramdam ko pa rin ang paghaplos niya sa aking buhok.

Pag gising ko kinabukasan ako na lang mag isa sa aming kwarto tiningnan ko ang orasan ng aking cellphone nagulat ako alas dyes na ng tanghali. Mabilis kong inayos ang aming higaan agad akong tumuloy ng banyo para maligo.

Simply lang ang napili kong damit isang short na maong hindi naman maikli tama lang at isang t shirt na black. Agad akong lumabas ng aming kwarto bumungad sa akin ang mga boses tawanan,asaran at kanya kanyang kwentuhan ang aking narinig tungkol kagabi.

Agad akong tumungo ng dinning area dahil nandoon nagmumula ang ingay. Masaya at maingay silang kumakain palibhasa wala si sir Bryan walang maninita.

"Kate! Halika na, kain na" yaya sa akin ni inay Melba.

"Good morning po sa inyong lahat" bati ko sa kanilang lahat.

"Good morning din" balik na bati sa akin ate Rena habang ang iba naming kasama nakangiti sa akin.

Agad akong tumabi kay ate Rena na nasa tabi ni kuya Jake. Nagsimula na akong kumain heavy meals ang nakahain sa mahabang lamesa palibhasa mga barako. Ang kasama naming kumain.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon