Kate
Nathalie
"Sino ung lalaki na dumukot sa iyo" text ni Nathalie sa akin.
Ako
"Hindi ako dinukot basta kaibigan un ng kuya"sagot ko sa kanya.
Nathalie
"Bakit galit na galit sa iyo"
Ako
"Ano kasi"
Nathalie
"Anong kasi pwede ba Kate"
Ako
"Kuwento ko na lang sa iyo sa lunes"
Nathalie
"Pero ang gwapo no badboy looks iyan ang mga type ko parang ung idol ng kuya ko si Robin Padilla"
Ako
"Di kong gusto mo sa iyo na lang"
Nathalie
"Pakilala mo ako sa kanya best"
Ako
" Sige sasabihan ko siya"
Nathalie
"Thank you best"
Ako
"Basta ikaw"Tinapos ko na ang pakikipag text kay Nathalie at deritso na ako sa aming kwarto bago pa ako makarating may nadinig akong usapan.
Dali dali akong lumapit sa sala nakita ko si boss Bryan at Steven ang nag uusap nakatalikod si boss Bryan sa akin may isang halaman doon naka display kaya don ako nagtago at nakinig sa usapan nila dalawa.
"Diba sabi ko turuan mo" boses iyon ni Bryan.
"Oo boss tinuro ko lahat ng pwede niyang gawin" sagot ni Steven.
"Bakit ang tagal ninyo"
"Syempre boss ipinaliwanag ko pa sa kanya ung ayaw at gusto mo"
"Ano sabi niya" dinig kong tanong niya kay Steven bakit parang intresado siya malaman ang tungkol sa akin.
"Wala naman boss sabi niya sana magustuhan mo"
"Gustong gusto ko talaga" nagulat ako sa kanyang sagot.
"Hindi boss sana daw magustuhan mo ung trabaho niya" nakangiti pang sagot ni Steven.
"Fuck fuck" dinig kong mura niya. Sabay tayo sa kinauupuan niya aalis na sana ako sa aking pinag tataguan. Ngunit bigla siya humarap sa akin.
Siniksik ko maigi ang aking katawan sa halaman para di ako makita ni boss Bryan.
Pasalamat ako at bigla din siya humarap kay Steven at dahan dahan akong umalis sa sala.
Kinabukasan tinanghali na ako ng gising parang napasarap ang tulog ko kasi magkatabi kami ni inay Melba sa kama namin di tulad sa dati naming bahay.
"Anak nagawa mo na ba ung trabaho mo" tanong sa akin ni inay Melba.
"Hindi pa po tinanghali po ako ng gising" sagot ko.
"Bumangon ka na alam mo na man ung ugali ng boss mo"
"Oo nga po pala" mabilis akong bumaba sa kama.
""Kumain ka muna nandoon ang pagkain sa kusina"
"Opo" sabay labas ko.
Dito ako sa kusina nagtimpla ako ng kape ko muntik ko pa nabitiwan ang kape dahil pagharap ko katawan ni boss Bryan ang nasa harapan ko.
"Kagigising mo lang" tanong niya sa akin.
"Opo sorry nalate ako ng gising" sagot ko sa kanya. Tinikom ko agad ang aking bibig kasi di pa ako naka pagtoothbrush sa sobrang madali ko kanina baka maamoy pa niya ang aking bunganga pero di naman ako bad breath.
"Alam mo ba lahat ng tao dito maaga gumigising para magtrabaho kahit ako maaga gumising daig mo pa ang boss ah" galit niyang sabi sa akin.
"Pasensya na po di na po mauulit bukas po aagahan ko na ang gising"
"Dapat sa iyo pina parusahan para magtanda ka"
Hindi ko talaga inasahan na gagawin niya un parusa ba iyon hinalikan niya ako buti sa bigla ko di ko nabitiwan ang kape ko.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomancePaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...