CHAPTER 21

231 14 5
                                    

Third Person pov

Hindi pa man pumuputok ang haring araw agad akong tumulak papuntang Cavite sa bahay nila Nathalie. Nagbaka sakali ako na kilala niya ang lalaki. Bigo ako hindi rin niya kilala ang lalaki, huli kong pinuntahan ang bahay ni Erwin. Hindi pa sana niya ako tutulungan kung hindi ko pa siya tinakot.

Pinagbantaan ko si Erwin na pati siya madadamay kung hindi niya ituturo sa akin kung saan naroon ang kanyang lalaki? Mukha naman natakot si Erwin kaya agad binigay sa akin ang adress ng lalaki.

Mabilis akong tumungo sa adress na binigay ni Erwin tumambad sa akin ang mala squater na lugar ng lalaki.

"Pabili po ng yosi" tumambay ako sa maliit na tindahan na nasa bungad ng eskinita.

"Ano po ang yosi ninyo?" tanong ng tindera ng tindahan.

"Marlboro red po isa lang" bahagya kong sagot sa tindera.

"Ten pesos" sabay abot ng yosi sa akin mukhang nagulat sa akin.

"Hindi ka taga looban no"

"Hindi po may hinahanap lang ako"

"Hindi mo natatanong expert ang asawa ko diyan daig pa ang NBI"

"Nandiyan po ba ang asawa ninyo"

"Nandito halika pasok ka" anyaya nito sa akin sa loob ng tindahan.

Agad akong pumasok sa loob.

"Tonyo halika dali"dinig kong tawag nito sa asawa.

"Bakit? Ano ba nangyayari sa iyo"

"Heto may hinahanap daw siya sa looban samahan mo! Ano nga ang pangalan mo iho?"

"Steven po"

"Si Tonyo asawa ko at ako naman si Mercedes "pakilala sa akin ng may ari ng tindahan.

"Ano ba sa atin?"tanong ni mang Tonyo na ngayon pareho na kaming nakaupo sa bangkong kahoy.

"May hinahanap po ako Shane Espiritu ang pangalan may nakapagsabi sa akin dito ko raw siya matatagpuan" paliwanag kong sagot kay mang Tonyo.

"Ah si Shane yong suki ng mga bakla"

"Hindi ko po siya personal na kilala, sa litrato ko lang po siya nakita"

"Patingin ako ng litrato"

"Heto po" sabay abot ko ng litrato kay mang Tonyo.

Agad naman tinitigan ni mang Tonyo ang litrato. Kinumpirma sa akin ni mang Tonyo na iyon nga ang aking hinahanap. Nag paalam lang siya sa kanyang asawa na sasamahan niya ako sa looban. Nadinig ko pang ibinilin niya sa kanyang asawa ang aking sasakyan baka daw pagtripan ng mga hamog boys.

KATE

Samantala dahan dahan ang ginawang pagmulat ni Kate sa kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang kuwartong panglalaki pati amoy ng kwarto pamilyar sa kanya. Tuluyang iminulat ang mga mata tama nga ang kanyang hinala kwarto ni sir Bryan. Bakit siya naroroon? Bakit sout niya ang damit nito? Mas lalo siyang nagtaka wala siyang bra at tanging panty lang ang sout niya. Sisigaw sana siya biglang bukas naman ng pintuan. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang comforter.

 Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang comforter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon