CHAPTER 12

288 18 0
                                    

Third Person

Hanggang sa nakabalik ako ng VIP room parang balewala lang ang nangyari sa akin kanina di na baguhan sa akin ang humawak ng baril.

Palibhasa bata pa kami sinanay na kami ni pinuno kung paano gumamit ng baril?.Sinanay kami kung paano namin ipagtanggol ang aming sarili?. Dahil sa mundong gagalawan namin hindi pwede ang duwag at mas lalong hindi pwede ang awa.

MATAPANG MAY PRINSIPYO at TIBAY LOOB ang itinuro sa amin ng aming ama! Si pinuno.

KATE

Maaga akong nagising kasi may exam kami ngayon.Agad akong nagtungo sa kusina.

"Oh! Anak kumain ka muna bago ka maligo" yaya sa akin ni inay Melba habang may tinitingnan ang kanyang niluluto.

"Opo! Kain po tayo nanay Melba" aking alok kay inay Melba.

"Mauna ka na mamaya na ako tatapusin ko lang tong niluluto ko baka bumaba na si sir Bryan" dinig kong sabi ni inay Melba.

"Inay Melba umuwi po ba si kuya Jake at Steven kagabi" tanong ko kay inay Melba habang nagsisimula na akong kumain.

"Hindi ko alam anak si Steven lang ang nakita ko kagabi" sagot niya sa akin.

"Saan kaya pumunta si kuya Jake nag alala ako hindi naman niya sinasagot ang text ko at tawag?" malungkot kong tanong kay inay Melba

"Uuwi din yon baka may inutos lang sir Bryan! Hayaan mo mamaya magtatanong ako kay Steven!" mungkahi ni inay Melba sa akin.

"Magandang umaga! Inay Melba! Kate!" sabay bati ng dalawa naming kasama di namin namalayan ang pagpasok nila sa kusina.

"Magandang umaga Britney at Cristina" bati ko din sa kanilang dalawa.

"Hala kayo dalawa kumain na kayo para makasimula na ng trabaho at maaga makatapos" yaya ni inay Melba sa dalawa.

"Salamat po inay Melba" sagot ni Cristina ngayon nakaupo na sa aking tabi habang si Britney kumukuha ng pagkain.

"Kayo po inay Melba kain na kayo" anyaya ni Britney. Na may bitbit ng pagkain.

"Mauna na kayo bilisan ninyo kumain mamaya nandiyan na yong mga barako" sagot ni inay Melba na nakatingin sa aming tatlo,yong mga barako tauhan ni sir Bryan.

Mabilis kaming kumain tatlo.

BRYAN

"Oh!!!fuck!" sabay hawak ko sa aking ulo masakit gawa ng hang over kagabi.

Hindi ko alam kung ano oras kami natapos sa aming kasiyahan kagabi? Dali dali akong bumangon at agad nagtungo sa banyo,tinapat ko agad ang aking katawan sa ilalim ng shower.

Medyo gumaan ang aking pakiramdam pagkatapos kong mag shower.

Black shirt and pants ang napili kong suutin wala naman akong lakad sa ngayon.Agad akong bumaba at deritso ng kusina naabutan ko si manang Melba.

"Good morning! Sir Bryan" bati sa akin ni manang Melba.

"Good morning!Po" ganti kong bati kay manang Melba.

"Breakfast" nakangiting alok sa akin ni manang Melba.

"Kape na lang po" sagot ko kay manang Melba.

"Sige sir Bryan" sabay talikod sa akin.

"Manang Melba pakidala na lang po sa garden" utos ko kay manang Melba habang ang aking mga mata parang may hinahanap.

Papunta akong garden gusto ko talaga dito tumambay habang nagkakape bukod sa maaliwalas ang kapaligiran kitang kita pa ang boung view ng aking bahay.Umupo ako sa upuang nandoon.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon