Third Person pov
Hindi alam ni Kate kanina pa may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Buhat ng sila'y dumating hindi na siya nilubayan ng mga mata na iyon na hindi kalayuan sa kanilang pwesto.
Si Shane ang boylet ni Erwin simula ng gabing hihatid nila si Kate Alabang doon nag simula ang kanyang di maipapaliwanag na nararamdaman para kay Kate. Minsan pa nag tanong siya kay Erwin tungkol kay Kate ngunit hindi siya pinansin ni Erwin sinabihan pa siya na itigil na niya kung! Ano man ang nararamdaman kay Kate? Kasi may boyfriend na ito.
Pero ngayong gabi masaya siya kasi nakita niya ulit ang dalaga. Nakabou agad siya ng plano.
KATE
Samantala hanggang nakabalik ang dalawa sa kanilang pwesto wala pa rin tigil ang kanilang asaran.
"Hindi pa rin kayo tapos mag asaran dalawa" puna ko sa dalawa na parehong naka upo na.
"Paano itong epal na ito lahat ng kukunin ko na pagkain para sa akin sasabihin ba naman huwag iyan nakakataba iyan" paliwanag ni Nathalie habang nakaturo ang mga kamay kay Steven.
"Totoo naman ha tingnan mo iyang litson diba puro taba iyon" sagot ni Steven kay Nathalie.
"Bawal sa akin pero kay Kate pwede! Ano connect non? Mr.del Prado!" mataray na tanong ni Nathalie kay Steven habang nakatingin sa aking Plato.
"Concern lang ako sa figure mo" sabay tawa ni Steven kay Nathalie.
"Wala kang paki" sabay kain ni Nathalie.
"Tama na iyan kain na tayo" yakag ko sa dalawa.
Tumahimik naman ang dalawa nong magsimula na kaming kumain. Masarap ang pagkain nila Erwin simula sa letchon hanggang sa panghimagas. Nagsisimula na ding magsayawan ang aming kaklase sa gitna ng garden.
"Kamusta kayo dito! Kain ng kain marami tayong food" alok sa amin ni Erwin.
"Okay lang kami kung hindi lang nakakahiya kanina pa kita sinabunutan bakla ka" sagot ni Nathalie akmang hahawakan ni Nathalie ang buhok ni Erwin. Ngunit nakahakbang agad ito sa gitna namin ni Steven.
"Oh! My God! May kasama pala kayong papa" puna ni Erwin kay Steven.
"This is my boyfriend!!! Steven meet Erwiña!!! Erwiña meet Steven" biro ni Nathalie. Kasabay pakilala sa dalawa agad naman nilahad ni Steven ang kamay para kay Erwin.
"Opss limit yan! No shake hands" mabilis hinila ni Nathalie ang kamay ni Steven.
"Ang damot mo! Borromeo" sabay back out ni Erwin.
"Nagseselos ka ba" dinig kong tanong ni Steven kay Nathalie.
"Ako magseselos asa ka" sagot ni Nathalie kay Steven sabay isnab nito na ikinatuwa ni Steven.
BINABASA MO ANG
Bad boy meet Good girl
RomancePaano magtagpo ang isang badboy at ang isang mabait,inosente at mabuting anak.Paano mapapaibig ng isang badboy ang dalaga at paano mapapaamo ng isang good girl ang isang badboy kung lagi na lang nakaangas sa kanya at galit sa mundo. Start written: O...