CHAPTER 10

303 21 0
                                    

Hindi nagtagal tinapos na din ni kuya Antonio ang kanyang report tungkol sa kumpanya,sa Malaysia agad nagtayuan ang mga bisita ni papa malugod siyang binati.

Agad naman tumayo si kuya Alexander nagsimulang magsalita,wala siyang gaanong magandang balita sa kumpanya na hawak sa Thailand,dahil katwiran niya bago pa lang ito sa bansa pati siya nangangapa pa kung paano patakbuhin ng maayos ang kumpanya pero nangako naman siya na kakayanin niya na mapaunlad ang kumpanya.

Agad akong tumayo pagkatapos ni kuya Alexander,di na ako masyadong nagpaligoy ligoy pa agad kung ibinalita sa kanila ang magandang takbo ng kumpanya sa Cebu at Davao.
Agad binuksan ni Rena ang monitor at nagsimulang mag type sa kanyang laptop.

"Base sa inyong napapanood ang kumpanyang hawak ko sa Cebu at Davao ay unti unti ng nakilala at tinatangkilik sa limang buwan nagdaan ang MONDRAGON Inc. ay pumangalawa sa stock market dito sa ating bansa,sa inyong supurta at tiwala makakaasa kayo na mas lalo pa namin pagbutihin ang aming trabaho" nakaramdam ako ng tuwa ng tumayo si papa at binati ako sampu ng kanyang kasamahan.

Sumunod na din si Dos magsalita mukhang kinakabahan ito katulad kay Alexander kaunti lang ang naging pahayag niya tungkol sa Francisco's club. Pero bilib ako sa kanya kahit walang tulong ni papa maayos nya niya itong napapalakad mag isa.

Isa ang Francisco's club sa pinakasikat na club sa bansa ultimo pulitiko,mga artista o mga banyagang dayuhan talagang dinadayo talaga ito.
Bukod sa maganda,malinis at talagang protektado ang mga suki nila.

Kita ko sa mga mata ni papa ang paghanga sa amin agad siyang lumapit sa amin at niyakap kaming magkapatid.

"Congrats! mga anak bilang ama ninyo natutuwa ako di ninyo ako binigo masayang masaya ako sa takbo ng ating kumpanya,dahil diyan may regalo kayo sa akin" masayang banggit ng ama ko.

Ngayon ko lang ulit nakita na ganon kasaya si papa,simula ng iwan siya ni mama.

Masaya din ako sa tagumpay naming magkapatid,di ko lang mapigilan ang maiinggit kay kuya Antonio halos sa kanya na ka fucos ang mga stockholder at mga investor ng kumpanya,pati si papa parang kinakabahan talaga ako pagdating kay kuya Antonio.

"Para sa tagumpay ng ating kumpanya! Cheers!" sabay taas ng baso ni papa ng may lamang inumin.

"Cheers ! Cheers ! Cheers !" sabay sabay naming sabi masayang masaya ang lahat.

Hindi rin nagtagal mga bisita ni papa agad din nag paalam hanggang sa kami na lang magkapatid naiwan.

"Papa mauna na ako kailangan ko pa bumalik sa Malaysia" paalam ni kuya Antonio.

"Bukas ka na bumalik di mo ba kami namimiss mga kapatid mo" sagot ni papa.

"Alam nyo naman kung gaano ko kayo ka miss"

"Oo nga kuya Antonio bonding naman tayo,tagal na natin di nagagawa iyon diba kuya Bryan" suhestiyon ni Dos.

Ngumiti lang ako kay Dos pati si kuya Alexander naki sali na din kay Dos. Sa huli pumayag din ito kaso may kondisyon pa.

"Sige payag ako basta lahat tayo sa mansion natin uuwi at matutulog ngayong araw" natigilan kaming tatlo. Kasi simula ng ipamahala ni papa sa amin ang kumpanya may mga sarili na kaming bahay apat.

"Sige deal" sabay sagot ng dalawa si papa nakikinig lang sa usapan namin,nakikita ko ang saya sa kanyang mukha.

"Ikaw Bryan?" tanong ni kuya Alexander para kasi nagdadalawang isip ako kung sasama ako o hindi.

"Kasi kuya may lakad sana ako ngayon"

"Sa ibang araw mo na lang yan ituloy, sabi nga ni papa minsan lang magsama sama di pa natin samantalahin" sabay akbay ni kuya Antonio sa akin,parang kanina lang mag suntukan na kami.

Bad boy meet Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon