REA'S POVMalapit na kami sa sinasabi ni Ms. Riku sa sinasabi niyang school kung saan ako titira magmula sa araw na ito. Hindi ko alam kung anong klaseng eskwelahan ba ang papasukan ko pero isa lang ang gusto kong mangyari. Ang mahanap ang lalaking matagal ko ng hinahanap.
At papatayin ko siya sa oras na mahanap ko na siya!
"Rea, malapit na tayo. Maghanda kana." dinig kong sabi ni Ms. Riku sa unahan.
Sinunod ko ang kanyang sinabi at inayos na ang sarili ko. Inayos ko na rin ang uniporme ko. Balita ko nga iba iba ang uniporme ng mga estudyante doon. Mukhang masyado silang maraming pakulo sa buhay.
Hindi na ako nagulat na pang Japan ang hitsura ng uniporme ko dahil sa pangalan palang na Hamura ay halatang Japan ang may-ari ng paaralang iyun.
Maya-maya lang ay huminto kami sa isang entrance. May malaking gate na nakabukas doon.
"Rea, halika na." sabi ni Ms. Riku na agad ng bumaba.
Sumunod na ako sakanya. Itinaas ko ang pocket gun ko para matakpan palda ko.
"Hayaan mong sila ang magbuhat ng mga gamit mo."
Pinagmasdan ko ang kalakihan ng eskwelahan na nasa harapan namin. Isang building o para bang isang palasiyo. Hindi ko tuloy matukoy kung isa nga bang paaralan ito.
Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang mga kakaibang titig ng mga estudyante na nakaupo sa isang mahabang bench na akala mo may balak silang atakihin ako anumang oras. Iba iba ang reaksiyon ng kanilang mukha. At magkakasama ang kulay ng kanilang damit.
May itim. May pink, may blue green at iba pa. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit meroong ganito. Color coding.
Pero hindi yun ang mahalaga. Ang tanong ko lang ay kung bakit ang sama ng tingin nila.
"Tss, what a bunch of assholes."
"Rea, word." sita kaagad saakin ni Ms. Riku.
Masisisi niya ba ako? Kung ganito ang reaksiyon at salubong ng mga tao saakin malamang hindi ako magpapatalo.
Paniguradong first day ko palang siguro mapapaaway na ako.
"Bilisan mo na, malapit na tayo sa Dean's office." sabi niya.
"I know."
Ilang minuto lang ang nakalipas. Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming dalawang lalaki na ang tingin ay nasa akin.
Pero ang mas nakakainis pa ng malagpasan nila kami ay narinig ko pang sinabi ng sinuman sakanila ay..
"Another loser, huh?"
Dahil sa narinig ay napahinto ako at tiningnan sila ng masama. Kung hindi ako nagkakamali para saakin ang salitang iyun.
At this time, anong gusto nilang iparating?!
"Rea, don't listen to what they have to say."
Nasa dalawang lalaki parin ang tingin ko.
"I don't want to listen but I can't control my hearing."
sabi ko sakanya."Whatever, let's go. We're here."
Tss! Kung wala lang sanang gumagabay saakin sa mga kilos ko malamang napatay ko na ang mga lalaking iyun.
Nakarating na kami sa sinasabi niyang Dean's office. Mas luma pa ang loob nito sa inaasahan ko. Puro lamat at kinakalawang na ang bintana.
Hindi man lang ba siya nandidiri?!

BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...