SIKAT NA ANG ARAW.
At ito na rin ang hinihintay ng ilan. Kasama na rin ako. Kinakabahan man ay alam kong hindi ako mamamatay sa isang ensayo lang.
Bawat estudyante ay nakapila sa kung anong rango sila nabibilang.
"Students of Hamura Highschool, today is the day of your training. Level 3 which is Battle royale. There are only two you can trust. Your teammates and yourself. Whoever gets the flag on Oriyama Mountain is the winner and extra points for each member."
Sabi ng tinig babae sa speaker.
" 5:00 pm matatapos ang oras ng inyong ensayo. Uulitin ko, Pwede kayong manakit. Pero bawal kayong gumamit ng matalim na bagay sa ibang rango. MALIWANAG BA?!"
"YEEESSSSSSS!"
Sabay-sabay nilang sagot. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa makahoy kung saan gaganapin ang ensayo.
Nakakatakot. Hindi ganito ang ensayo ko. Pero isa ito sa paraan para maging malakas ako.
"A-rank! Pumasok na kayo!"
Anunsiyo ng babae.
Hindi pa nakakapasok ang buong A-rank ng mabalingan ko ng tingin ang stupidong si Aries na nakatingin saakin habang naglalakad siya papasok.
Bumubuka-buka pa ang bibig niya at kung babasahin ay 'Goodluck, loser.' ang ibig sabihin.
Hanggang sa makapasok ang ibang rango papunta saamin.
Wala pang signal na naibibigay kung magsisimula na ba kami kaya ng lahat ng rango ay nakapasok na ay saka kami naglakad papasok sa kagubatan.
Nang malayo-layo na kami. Tanging E-rank nalang ang nakikita namin na naglalakad sa gubat.
*TOGSH!*
Dagundung ng isang putok ng baril sa hindi kalayuan.
"Nagsimula na. Maghanda kayo E-rank!" panguna ni Nash na naglabas ng isang baril.
"Baril ang gagamitin mo?"
tanong ko kay Nash.
"Iba ang bala ng baril na 'to. Hindi siya nakakamatay. Nakakapanakit lang." paliwanag niya.
Sinubukan pa niya ito sa punong nadaanan namin. Tumama lang ito saka nagbounce sa kung saan. Base sa lakas ng tunog nito ay masasabi kong sobrang sakit ng impact nun.
"Anong una nating gagawin?" tanong ko.
Wala talaga akong ideya kung saan namin sisimulan. I mean, hello?! First time ko kayang magensayo sa gubat tapos Battle royale keneme pa. Individual ako kung magensayo at lahat ng tao sa paligid ko ay kalaban ko. Ganun ako magensayo.
Habang naglalakad ay napansin kong isa isa silang tumigil kaya nagtaka ako.
"Anong problem-------."
Hindi na ako nagsalita ng makita ko na ang problema. May grupo ng estudyante ang nakaharang sa dinadaanan namin.
"B-rank." sabi ni Alice.
"Hindi kami papayag na may makalapit sainyo sa Oriyama Mountain. Losers!" sabi ng isang babae.
Umarko ang E-rank na handa na sa pakikipaglaban.
Pero sa isang iglap ako nalang ang natira.
Ng ilinga ko ang paningin sa paligid ay tanging ako nalang ang kaharap ng B-rank.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
Ficción GeneralAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...
