16: CLINIC

675 56 1
                                    

NASH'S POV

Ng makita kong yumuko si Rea sa desk niya ay napatanong ako sa sarili ko.

Simula kasi ng dumating siya HHS at mapabilang siya saamin ay nagkaroon na ako ng pakiramdam na

Baka lang naman......

Hindi pa ako sigurado dahil naghahalo ang nararamdaman ko para sakanya.

May parte ng puso ko na nagsasabi na gusto ko lang siyang maging kaibigan.

Samantala, sa kabilang parte naman ng puso ko ay nagsasabing gusto ko siyang mahalin na higit pa sa kaibigan.

Hindi naman dapat ako naguguluhan dahil alam ko namang kaibigan lang ang turing ko sakanya pero....

ewan ko ba.

May tama na yata ako kay Rea.





REA'S POV

Ilang sandali pa ang dumaan. Nagising nalang ako at nagkakagulo na ang mga kaklase ko. Bumangon ako mula sa pagkakayuko sa desk ng makita ko si Nash na hanggang ngayon pocky parin ang hawak niya.

"N-Nasaan yung teacher natin?" tanong ko.

"Self-training." sagot ni Nash.

Nanaman? Nabobored na ako.

Tumayo ako.

"What's wrong?" tanong ni Luna.

"Toilet." sabi ko.

"Samahan kita." sabi ni Nash na tumayo na rin.

"A-A-An-----Nababaliw kana ba?!" sabi naman ni Alice.

"Nash is pervert!" sabi naman ni Vinassy.

"Tss, sa labas lang naman ako. Baka lang kasi may mantrip kay Rea sa banyo." sabi niya.

"Kahit naman may mantrip saakin hindi ka pwedeng pumunta sa loob. Kaya ko sarili ko kaya wag na-----"

"No, sasama na ako. Baka pagtripan ka sa labas ng banyo." pagpupumilit niya.

Wala na rin akong nasabi. Tinanguan ko nalang din siya.

Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip niya at naisipan niyang samahan ako pero may punto naman siya. Baka nga pagtripan ako.

Ayoko namang makagawa ng kasalanan kaya hahayaan ko siya nalang ang sumalo nun para saakin.

Kinuha namin ang pagkakataon habang walang teacher ay lumabas kami pareho.

"Gusto mo?" tanong niya bigla sabay abot saakin ng pakete ng pocky na kanina ko pa nakikita sakanya.

Simula ng makatulog ako at paggising hawak-hawak niya parin ang pagkain na 'yan. Iniisip ko kung limang libo ba ang laman niyan at kanina pa hindi ubos.

"Ayoko, salamat nalang." sabi ko.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang banyo. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumasok nalang ako kaagad para makabalik kami ng agaran sa classroom.

Ilang minuto pa akong tumambay dahil baka sundan pa ang ihi ko.

Habang nasa loob ng cubicle ay nakarinig ako ng ingay sa labas. Base sa lakas ng tunog nito ay mismong sa labas lang ang nagkaroon ng ingay.

Dahil sa tanong sa isip ko na baka napano na si Nash sa labas pero ng bubuksan ko na ang pintuan ay nagtaka naman ako kung bakit ayaw nitong mabuksan.

"REA! LOCK THE DOOR-------UH!" dinig kong boses ni Nash.

Kahit hindi ko sundin ang inutos niya ay talagang may pumipigil saaking makalabas.
Kaya naman kumuha ako ng pwersa at lumayo onti sa pinto.

Hamura High School | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon