.......still.
3 Weeks Later.....
Ilang araw na ang nakalipas. Ganun parin ang nangyayari, kasalukuyan parin naming hinihiling na sana walang nangyayaring masama ngayon kay Nash.
Samantala, nakausap ko na rin sina Casper, Luna at ang iba pa tungkol kay Rea. Wala silang pinagsabihan kundi kami-kami lang.
Sinabi ko sakanila na 'wag sabihin kay Rea kung anuman ang meroon sakanya na sinabi ko.
5 Weeks Later.......
Dumaan ang ilang linggo. Halos, libutin na ng ibang batch ang buong mundo pero hindi nila mahanap si Nash.
Gusto naming sumama sa paghahanap pero hindi kami pinayagan ni Dean.
Ngayong araw. Nalaman ko na umalis si Aries ng A-rank para sumama sa paghahanap. Narinig ko pa ang pag-uusap nila ni Rea na sana maibalik niya na si Nash pero walang naisagot si Aries do'n.
1 Month later......
Isang buwan na ang lumipas. Hindi parin namin nahahanap si Nash. Nagkakaroon ako ng masamang pag-iisip na baka hindi na namin siya mahanap pa o baka may mangyaring masama sakanya.
Hindi pa nakakabalik ang batch nina Aries na lumabas ng HHS. Maingat silang naghahanap dahil baka may makapansin sakanilang ibang mga tao.
Tago ang katotohanan ng school na ito at malamang ay mamumukhaan sila ng mga taong kumuha kay Nash kapag nagkataon na pagala-gala din ang mga iyun.
1 Month and 4 Weeks Later........
Nakabalik na ang batch nina Aries ngayong gabi. Para silang mga binugbog dahil sa itim ng mga mata nila. Hindi ko akalain na magiging ganito ang kakahantungan ng lahat. Masakit ang makitang mawala ang kaibigan ko at wala kang magawa kundi ang maghintay ng balita tungkol sakanya.
Nasaan kana ba, Nash?
Nandito ako sa may garden. Bilog ang buwan at malakas din ang simoy ng hangin.
Sinubukan kong pagmasdan ang laki at lawak ng eskwelahan ng may maaninag akong anino.
Napatayo ako pero huli na ang lahat. Tumalon na siya sa kung saan at tuluyang nawala sa paningin ko....
2 Months Later..........
Ngayong hapon, sinamahan ko sa pageensayo si Rea. Nasa likod kami ng school, samantala nasa hindi kalayuan. Nakasandal lamang si Aries doon. Animo'y hindi niya talaga pwedeng alisin sa mata niya si Rea.
Naiintindihan ko naman. Kahit nga hindi niya ako sinabihan ay talagang kusa akong sumama sakanya rito.
Para rin samahan siya at matuto rin ako ng mga natutunan niya.
Ensayo palang ay ramdam ko na ang determinasiyon niyang makipaglaban. Ang lakas ng bawat suntok niya sa punching bag na nakabitin sa puno ay siyang naririnig ko.
Nakatatlo na siyang punching bag na nabutas dahil lang sa isang suntok niya.
Umaasa naman ako na sana ganyan din ako kalakas sakanya.
2 Months and 2 Weeks later...........
Nagkaroon ng meeting ang buong estudyante. Inilahad nina Dean at ng ibang stuff ng school ang balita kay Nash.
Nabanggit nila na may nakakita daw kay Nash. Pero nalulungkot ako sa ibinalita nilang ang taong nakakita sakanya ay pinatay ng mga kumuha kay Nash.
Nakita ko kung paano matalim ang naging reaksiyon ni Rea sa balita.
At nagawa niyang umalis ng gym dahil dun.
2 Months and 4 Weeks Later.......
Nasa may garden ako. Kung saan daw huling nakasama ni Rea si Nash. Habang nakatayo doon ay iniisip ko kung ano nga ba ang nangyari habang magkasama silang dalawa.
Alam kong plano na ni Nash na magconfess kay Rea nung araw na yun pero dahil sa nalaman ko naman na nagconfess nga siya dahil yun ang sinabi ni Rea saamin.
Walang duda. Pwede ngang kinuha siya. Gabi nun at dahil sa iniwan na siya ni Rea ay kinuha nila ang pagkatataon na makuha si Nash.
Ganun ba sila kalakas para hindi malabanan ni Nash? Hindi naman ganun kahina si Nash para hindi maprotektahan ang sarili niya pero......
sino nga ba ang mga kumuha sakanya?
Balak ko na sanang pumasok ng building ng may matanaw akong nakatayo nanaman sa tower ng school.
Kung ganun babae siya....
Bilog na bilog ang buwan at makikita mo talaga ang anino na kung saan nakatayo siya ng walang takot doon.
Habang hinahangin ang kanyang kasuotan ay pansin ko rin kung saan siya nakatingin.
Sino siya....?
Ng humarap siya banda sa may liwanag ng buwan ay nakita kong nakasuot siya ng maskara.
Isang maskara na may kulay pula.
Hanggang sa makita ko siyang tumalon sa kung saan at hindi ko na siya nakita.
3 Months Later..........
Ilang buwan na ang nakakalipas. Unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa na mahanap si Nash. Tinatanong pa namin ang mga sarili namin kung mahahanap paba namin siya o hindi na talaga.
Napapansin ko rin si Rea na tahimik at minsan pumupunta siya sa library.
Nakikita ko rin si Aries na minsan kasama niyang pumunta doon.
Nagtataka rin naman ako kung ano nga ba ang ginagawa nilang dalawa doon..
REA'S POV
Nash. Dumaan ang oras, araw, linggo at buwan. Tinatanong ko sa sarili ko kung isa ba sa dahilan ng pagkawala mo ay ang pagsabi mo ng nararamdaman saakin.
Kung alam ko lang na mawawala ka nung gabing yun di sana hindi muna kita iniwan.
"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kinuha nila si Nash?"
biglang tanong ni Stupid Aries. Magkasama kami ngayon sa Library. Wala akong ideya kung bakit sumama siya saakin dito. Nitong mga nakaraang araw rin napapansin ko ang paglapit niya.
Siguro sinusubaybayan niya ako na baka may mawala nanamang estudyante at ako ang sisisihin niya.
Kung ako yun...bakit pa ako magpapabisto sakanya na may nawawala nga na estudyante at ako ang dahilan nun? Tss!
Balak kong maghanap ng libro tungkol sa codes.
Gusto kong malaman kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng code na natatanggap ko. Hindi naman siguro prank yun. Alam ko rin na may gusto siyang sabihin sa pamamagitan nun.
"Wala akong alam. Pero sa oras na makuha ko si Nash sakanila, papatayin ko sila." seryosong sabi ko habang binubuklat ang ilang pahina ng libro.
"Hanggang ngayon, misteryo ka parin saakin, Rea Collins." sabi niya.
"Hindi ako misteryo, sadyang hindi mo lang alam kung sino talaga ako."
"Hindi na ako makapaghintay na dumating ang panahon at makilala na kita, kung sino ka nga ba talaga." ramdam ko ang kabigatan ng awra niya.
Ng sandaling yun ay pinaningkitan ko siya ng mata saka ngumiti.
"Hinding hindi mo 'ko makikilala, may malalaman ka tungkol saakin pero mananatiling nakatago ang katotohanan ng pagkatao ko." yun nalang ang sinabi ko sakanya saka siya tinalikuran.
Nahanap ko na ang librong hinahanap ko.
Hindi na ako magaaksaya ng panahon na alamin ang salita sa likod ng mga codes na ito.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...
