28: ANSWER

699 53 0
                                        

CASPER'S POV

Masyado na kaming nakakampante na pinaghahanap na ngayon si Nash. Pero wala parin kaming ideya kung saang lupalop siya dinala ng mga kumuha sakanya.

"Sa tingin mo ba mahahanap pa natin si Nash?" napalingon ako kay Vinassy.

Kunot-noo ko siyang tiningnan pero dahil sa lungkot ng kanyang dinadala ay naiintindihan ko kung bakit ganyan ang mga tanungan niya.

Simula ng mapunta ako dito sa Hamura. Sila ni Nash ang naging kaibigan ko. Sila ang unang naging kaibigan ko. At sobrang close nila sa isa't-isa. Doon ko nalaman na magkaibigan na pala talaga sila simula palang. Nabanggit din saakin ni Nash na nakikita niya raw kasi kay Vinassy ang ugali ng kanyang kapatid kay Vinassy.

Haha! Minsan talaga iniisip ko nalang na magkapatid sila. Nung wala pa dito si Rea, silang dalawa lang ang magkasama. Nagkukulitan at dahil sa closeness na binibigay nila sa isa't-isa kaya napagkakamalan namin silang couple. May ibang nagsasabi na sila nga kahit wala naman.

Dahil matalik na magkaibigan lamang ang dalawa ay mapapansin mo rin naman na magkapatid ang turingan nila.

Pero nakakalungkot lang na may mga handang ituring kang kapatid. Pero sa totoong buhay ay ayaw mo dahil ayaw mo ng maulit pa ang nangyari sa kapatid mo.

Nalaman ko kasi na namatay ang kapatid ni Nash. At yun ang dahilan niya kung bakit siya nandito sa Hamura. Para hanapin at patayin ang may gawa nun sa kapatid niya.

"Casper?"

Bumalik sa reyalidad ang isip ko. "Huh?"

"Tulala ka, kanina pa kita kinakausap." sabi niya.

Napakamot ako sa batok ko. Dahil sa kakaisip sa kaibigan namin kung mahahanap paba namin siya hindi ko na alam kung masasagot ko pa ba ang tanong niya.

"Alam ko naman na maging si Rea ay hindi tumitigil sa paghahanap ng paraan para mahanap si Nash, dapat ganun rin tayo." sabi ko sakanya.

Pansin ko kasi nitong mga nakaraang buwan. Grabe kung makiusap si Rea kay Dean na sumama sa paghahanap kay Nash sa labas ng HHS. Pero sa isang rason ay pinagbabawalan siya. Yun nga siguro ang sinabi saamin ni Vinassy na balak siyang kunin ng mga taong hindi namin makilala. Iniingatan lamang siya ng Hamura.

At bukod sa paghahanap kay Nash, kinailangan nadin naming bantayan si Rea.

"Mahahanap natin si Nash, tiwala lang." sabi ko kay Vinassy.

Matamis siyang ngumiti saakin.

"Sana nga."









REA'S POV

Books of Riddles and Codes..

Basa ko sa librong nahanap ko.

"Anong hinahanap mo?" biglang sulpot ni stupid Aries sa tabi ko.

"Kung ano man yun, pwede kitang tulungan." sabi pa niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Sandali pa ang nakalipas at natalo niya ako ng tingin niya kaya wala na rin akong nagawa. Iniharap ko sakanya ang dalawang pirasong papel na kung saan mga nakafold pa ito.

"What's this----------"

Hindi na natapos ang itatanong niya ng sabay niyang buklatin ang nilalaman nun at makita ang nakasulat.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero agad rin siyang sumeryoso.

Hanggang sa makita ko nalang siyang tumayo.

"Sorry, I have something to do." he said and walk away.

Hamura High School | ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon