15: HE KNOWS

730 62 2
                                    

Natapos ang dinner. Bumalik agad kami sa kanya-kanyang dormitoryo. Pagbalik namin sa dorm ay ganun nalang ang paghilata ng dalawa habang gumugulong-gulong sa kama at kilig na kilig dahil kay Nozomi-senpai.

Hindi ko rin naman maitatago na ang astig niya ngang talaga.

Hindi na ako magtataka kung bakit Ikaunang rango siya.

"Masaya akong matutulog ngayong gabi." sabi ni Luna.

"Ako rin!" sabi naman ni Alice.

"GOODNIGHT, REA!" sabay sabi nilang dalawa.

"Goodnight." nakangiting sabi ko at hinayaan silang magsitulog.

Nahilata lang ako sa kama. Nakatingin sa kisame habang malalim ko nanamang iniisip ang tungkol sa taong gumawa ng hindi maganda nung time ng training.

Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano siya mahuhuli.










-KINABUKASAN-

"Dito na magtatapos ang buhay mo!"

"REA! REA! TUMAKBO KANA!"

"MAMA! PAPA!"

"Clark! Umalis na kayo ditoo!"

"Halikana, Rea!"

"Balikan natin sila!"

"Hindi maaari!"

"Hindi! PAPAAA!"

"MAMAAAA!"

Hingal na hingal akong napabangon. Saka lang ako kumalma ng malaman kong isang panaginip lang ng lahat.

Napapunas ako ng noo dahil sa pawis.

"Rea, a-ayos kalang ba?" tanong ni Alice na nagbibihis na.

"M-Mmmm....ayos lang ako." sagot ko at tumayo na.

Pumunta na agad ako sa banyo para maligo. Kasunod ay nagbihis na ako ng uniporme saka nag-ayos.

"I wonder kung hanggang pagligo suot mo yang gloves mo." sabi ni Luna.

Napatingin ako sa gloves. "Kapag naliligo na ako tinatanggal ko siya. Binabalik ko kaagad pagtapos." sagot ko.

"Weird mo naman."

"Wala pa akong nakilalang babaeng laging suot ang gloves niya. Hindi kaba naiinitan?" tanong ni Alice.

"Sanay na." sagot ko saka pinagpatuloy ang pagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay sabay na kaming tatlo lumabas ng dorm.

Pero ang hindi namin inaasahan paglabas namin ay makikita naming magkaharap sina Nash at...

Aries!

"What are you guys doing?" tanong ko.

"W-Wala, nag-uusap lang kami." sagot ni Nash.
Nanatiling walang reaksiyon lang si Stupid Aries habang nakapamulsa.

"Anong klaseng usap at kailangan dito pa kayo magharap sa hallway?" tanong ko ulit.

"Usapang lalaki lang." sagot ulit ni Nash.

Tiningnan ko naman si Stupid Aries na mukhang ayaw parin magsalita. Hanggang sa matunog siyang ngumisi.

"Yun nga lang mukhang hindi naman lalaki ang kausap ko." sabi niya dahilan para tingnan siya ng masama ng tatlo. Samantalang seryoso lang din akong nakatingin sakanya.

Hamura High School | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon