VINASSY'S POV
Nasa kisame lamang ang tingin ko. Hindi ko na alam kung nasaan sina Rea. Matapos ng pagsabog ay tuluyan siyang nadala nina Nash.
Pero....
Mas iniisip ko si Nash ngayon.
Ang hitsura niya nung gabing nakita ko siya.
Nag-iba na siya...
Hindi na siya yung Nash na nakilala ko. Hindi na siya yung lalaking masayahin, mabuting tao.
Nababalot ng itim na awra ang kanyang mga mata. Wala itong buhay at sobrang nakakatakot kung ito ay titingnan.
"Nash..."
*BLAG!*
Napabangon ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aming dorm. Nakita ko ang dali-daling pagpasok ni Luna at Alice.
"Luna, anong ginaga---------"
"Bumalik na si Rea!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa sandaling iyun ay nakaramdam ako ng saya ng malaman kong nakabalik na siya.
"Talaga? N-Nasaan siya?" masayang sabi ko.
"Nasa Dean's office siya!" sabi niya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad akong lumabas ng dorm saka tinakbo ang hallway. Marami ang taong nakakasalubong namin pero wala akong pakialam dun.
Nakabalik na siya!
Salamat at nakabalik na siya!
Malapit na kami sa opisina ni Dean ng bigla nalang masira ang pintuan ng office at ang biglaang pagkawasak ng nito. Ganun nalamang ang pagatras ni Aries sa gawi namin. Para siyang sinipa ng malakas na tao na hanggang dito ay nakarating siya.
Dahil naatrasan niya ako ay nahawakan ko siya. Nasuportahan ko siya para hindi siya matumba pero hinawi niya lang ako papunta sa gilid kaya napadikit ako sa pader.
Nang tingnan ko ang may gawa nun sakanya ay kunot-noo akong napareak ng malaman kong si Rea ang may kagagawan nun.
"Rea?"
"Nē, nani ga okotte iru no?" nadinig ko ang pagsalita ni Nozomi. Ang Ikaunang rango.
Inalalayan ako ng ikalawang rango na kakarating lang. Nagulat din sa kanilang namataan. Hindi namin masagot ang kanilang tanong dahil maging kami ay hindi alam ang nangyayari sakanilang dalawa.
"Aries, anong nangyaya------"
"Shut up! this girl is crazy!" galit na sabi ni Aries.
Tiningnan namin sti Rea. Matalim lang siyang nakatingin kay Aries habang humahakbang ito palapit sakanya.
"This is bad.." dinig kong bulong ni Kuya Clark.
"K-Kuya Clark, anong nangyayari kay Rea?" nag-aalalang tanong ni Alice.
"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito pero sa ngayon ay kailangan muna natin siyang pigilan at pakalmahin." sagot niya.
"Naisip ko rin yan, pero hindi ko alam kung paano." sabi ni Kuya Jiho.
Ibinalik ko ang tingin kay Rea. Mas natakot pa ako nang itutok niya ang espada kay Aries.
Masaya akong nakabalik na siya dito sa Hamura pero kinakabahan ako sa dahilan ng asal niya. Wala akong alam kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang pagtatalo pero.....Masama ang kutob ko na baka mapatay niya si Aries.
"Kailangan niyo nang bumalik sa dormitoryo niyo, ayaw namin na madamay pa kayo sa gulo." sabi ni Nozomi.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
Ficción GeneralAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...