10: CLIFF OF A WATERFALL

803 60 0
                                    

REA'S POV

Nagising ako ng hindi ko namamalayan ang oras. Gabi na pala.

"You awake?"

Tiningnan ko sina Luna na nakaupo sa kanilang kama habang nakatingin saakin.

"Dinalhan ka nalang namin ng pagkain." sabi ni Luna na itinuro ang kinalalagyan ng pagkain.

"Napagod ka siguro." sabi ni Alice.

Kinusot ko lang ang mata ko.

"Stress lang ako. K-Kamusta ang training niyo?" tanong ko.

"Ayos naman, ang totoo ay nagsipaghanda nalang kami para bukas na survival." sagot ni Alice.

Oo nga pala, kailangan ko ring maghanda.

"Anong mga kailangang dahlin sa training bukas?" tanong ko.

"Sarili mo lang." sagot ni Luna.

"Bukod sa sarili ko?"

"Wala na. Hindi ka pwedeng magdala ng armas bukas. Survival yun at kailangan nating magstay sa gubat buong araw hanggang dumaan ang 6:00 pm. Lahat ng estudyante ay kailangang nakablindfolded at lahat tayo may mga lubid na nakakabit sa isa't isa para hindi tayo maghiwa-hiwalay. Kailangan nating makarating sa 3rd station kung saan ang finish line." paliwanag ni Alice.

Nakablindfolded? Buong araw?! Walang kahit na anong armas?!

"Eh paano kung may kalaban? Anong gagamitin natin?" tanong ko.

"Wala tayong kalaban, kailangan lang natin puntahan ang 3rd Station." sabi ni Luna.

"Ang hirap pala." kumento ko.

Base sa paliwanag nila ay nakaisip ako ng paraan. Kailangan naming makita ang mapa ng 3rd Station ng gayun matandaan namin ang patutunguhan namin.

"May mapa kayo ng 3rd Station?" tanong ko.

Mabilis silang umiling.

"Tanging ang trainor lang ang may hawak nun. Bawal nating tingnan yun." sabi ni Luna.

Yun ang mahirap. Hindi ko rin alam kung nasaan ang 3rd Station. Siguro bukas sakanila lang ako aasa.
Ano namang alam ko sa pupuntahan namin eh hindi ko pa nga nakikita ang Station na yun dahil bago palang naman ako.

"Matutulog na ako. Goodnight sainyong dalawa." sabi ni Luna.

"Goodnight sa'yo, Rea. Kumain ka nalang ha?" sabi din ni Alice.

Tinanguan ko nalang silang dalawa saka tumayo at kinuha ang pagkain sa nakapatong na cabinet.

Kailangan kong maghanda.





-KINABUKASAN-

"Goodmorning, students. Today, you're having a survival training. Maaari niyo ng ilagay ang bagay na hawak niyo sa inyong mata."

Nag-ipon na ang lahat. Una ay itinali kami sa mahabang lubid na nagsisilbi para hindi kami magkahiwa-hiwalay.

Binigyan ako ng damit kung saan yun daw ang isinusuot sa Level 1. Isang Belted Military style cargo short na pangbabae ang suot ko at itim na sports bra.

Ang para naman sa lalaki ay isang Belted Military style cargo short na panglalaki at itim na sando na fited.

Hindi ko tuloy maiwasang tingnan ang mga masucle ng kalalakihan. Humahanga ako sa tambok nun pero naagaw ng atensiyon ko ay si Nash.

Wala siyang kamuscle-muscle.

Ang gloves lang siguro ang hindi nagbago saakin. Katulad parin ng dati ay hindi ko ito tinatanggal kahit sinabi nila.

Hamura High School | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon