"Malapit na tayo!" sigaw ni Nash.Hindi ko na kayang tumakbo. Kanina pa kami tumatakbo. Napaka layo naman ng Oriyama Mountain na 'yan?
"We're here!"
Napasubsob ako sa likod niya ng bigla siyang huminto.
"Kailangan huminto agad?!" inis na sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at naglakad lang siya papasok sa isang madilim na kweba.
Kung titingnan mo siya labas ay mataas na bundok siya at paanong may roong kweba papasok dito?! Minina?
"Ang dilim." kumento ko ng makapasok kami.
Tama nga si Casper. Malawak ang loog nito. May ilang matataas na simento at medyo maputik. May parte na may tubig. Ang nagbibigay lang ng liwanag dito ay ang butas sa taas.
Sa taas nun ay siguradong iyun ang tuktok mismo ng bundok na 'to.
"Kailangan lang natin umakyat---------"
"As I expected!" tinig ng isang lalaki ang umalingawngaw na tumapat sa liwanag.
Nakatayo siya sa semento habang ang parte nito ay may tubig na.
At hindi lang siya basta-basta tao.
Isa siyang rango.
Isa sa Ikaunang rango ang may hawak ng Puting Flag na may nakataling papel sa bandang gitna nito.
"It is not impossible for you to come here." sabi niya pa habang nakatingin saakin.
"N-Nozomi Toda." pagkilala ko sakanya.
"Nozomi-senpai is enough. Pwede niyo ng kunin ang Flag-----------"
"We will not allow you."
Napalingon kami sa nagsalita. Nakatayo na doon ang tatlo sa A-rank.
"A-rank."
"Looks like you still need to argue to get the flag. Well, then."
"Rea, get the Flag!" sigaw ni Nash.
Hindi ako nag-alangan na kunin ang flag. Tinakbo ko si Nozomi-senpai.
"I will not allow it!"
Malapit na ako sakanya ng hawakan ako ng isang tao ng mahigpit.
Kinuha ko ang kamay niya saka hinila yun pero mabilis rin niya akong hinawakan sa kabilang kamay.Kinuha ko ang pagkakataon na masipa ko siya dahilan para mapalayo kami sa isa't isa.
"This is the only fight I enjoy watching." dinig kong sabi ni Nozomi-senpai.
"You can't get the flag." sabi ni Stupid Aries.
"I also won't let you." balik ko sana.
Umarko siya ng panibagong pagsugod pero hindi siya ang balak kong puntahan. Hindi ko siya kailangang labanan. Kailangan ko lang makuha ang flag.
"REA!"
"ARIES!"
Napalingon kami sa sumigaw. Nagkaipon ipon na ang E-rank. Ganun na rin ang A-rank.
"I want to give you a few minutes to fight. Kung sino ang mananalo ay siyang makakakuha ng flag." sabi ni Nozomi-senpai.
"Hindi ko kailangang makipaglaban.." sabi ni Stupid Aries na hinubad ang polo niya at nagstretch pa at handa ng makipaglaban saakin.
"...pero kung 'yun lang ang paraan, gagawin ko." sabi niya.
Hindi ako nagsalita at umarko na lang din ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/245430484-288-k244068.jpg)
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...