NASH'S POV"Ipinapatawag niyo raw po ako?"
Nasa isang silid ako kung saan nakaupo ang hilera ng matataas na upuan ng mga tao. Apat silang nakaupo sa kani-kanilang trono. Samantalang ng nasa itaas naman na bahagi ng silid nakaupo ang isang tao na nakamasrcara.
Ilang taon na rin ang nakakalipas simula ng mawalay ako sa myembro na 'to. Ngayon ko nalang ulit nakita ang mascara na 'yan.
Ang mascara na kung saan ay nakita ko na rin noon.
"Tama, pinatawag kita para sa isa nanamang misyon. Gusto kong sumama ka sa pagkuha sa babaeng Collins."
Naging mabigat ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Alam kong ang babaeng yun ang may pakana kung bakit nadamay ako sa misyong sumama sa pagkuha kay Rea.
Tss!
"At bago yun.....gustong kong..."
Inantay ko ang kanyang sasabihin. Lahat ng mga kasama niya ay nakatingin sakanya.
"..patayin mo si Aries Ruiz. Magiging sagabal siya sa misyon mo."
Mas kinabahan ako sa sinabi niya.
Nababaliw na talaga ang matandang 'to.
"Pero....."
"Are you going to complain?"
Tch!
"Masusunod po."
"Makaalis kana."
Matalim ko siyang tiningnan. Gusto ko siyang sugurin para alisin ang maskara na kung saan nagtatago ang mukha niyang hindi ko pa kailan man nakikita.
Bago ako lumabas ay tiningnan ko pa sila isa-isa.
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makalabas ako sa madilim na silid na 'yun.
"Still weak, huh?"
Napalingon ako sa nagsalita. Siya nanaman ang nakita ko.
"Hindi ko alam kung ano bang pumapasok sa isip mo at lagi mo nalang akong ginugulo." seryosong sabi ko.
"Wag mo sanang kalimutan kung sino ka talaga. Wala na sa Hamura ang buhay mo, at hindi mabibilang duon ang buhay mo kahit kailan."
Inis ko siyang tiningnan.
"What are you trying to say?!"
"Wala lang, baka kasi nagbago na ang pananaw mo sa buhay simula nang makilala mo ang babaeng yun."
Batid kong si Rea ang tinutukoy niya. Nakakainis lang na gusto ko na rin siyang kalimutan pero hindi ko magawa. Isa pa, patuloy siyang binabanggit ng babaeng 'to.
"Hindi mababago ng isang babae ang pananaw ko sa buhay, hindi hindi kailanman."
Nilagpasan ko siya. Pero hindi talaga siya nagpapatalo.
"Anong balak mo, papatayin mo si Aries?"
Dahil dun natigilan nanaman ako. Ano nga ba ang gagawin ko? Ayoko naman na patayin ang lalaking 'yun. Galit ako sakanya dahil sa ginawa niya saakin nung nasa Hamura pa ako. Ang ginawa niya sa E-rank. Ang pagyayabang at pamamahiya niya saamin. Hinding hindi ko yun makakalimutan pero ng dahil lang sa makuha si Rea. Ayokong pumatay. Ayoko siyang patayin.
"Kung anuman ang gagawin ko, labas kana dun." seryosong sabi ko.
"Alam ko naman na magagawa mo, you're not that coward, Nash Keller."
Nakakasama talaga ng loob lahat ng pinagsasabi niya. Aaminin ko, nagbago na talaga ako. Dahil sa kabutihan ng E-rank. Dahil sa mga magagandang nangyari sa buhay ko.
Pero ang paghahanap ng hustisiya sa pagkamatay ng pamilya ko ay siyang maghahatid saakin sa kapalaran na maging kaaway nila.
Na ang masakit na kapalaran na isa lamang akong....
spy.
THIRD PERSON'S POV
"Otoko wa wakai Ruisu o korosu koto ga dekiru to omoimasu ka?"
"Son'na koto ga dekinakereba seme rarenai, wakai Ruisu wa tsuyoi. Watanabe Hamura no chi ga karada ni nagarete irukara."
"Watanabe-kun? Ang ibig mo bang sabihin ay...."
"Sōdesu, ano otoko wa Watanabe Hamura no ichiban taisetsuna musukodesu."
"So no baai, kare wa watashitachi o damashimashita."
"Kare no musuko ga nakunatta to watashi wa shinjite itaga, kare wa kare no shōtai o kakushita."
"Ano rōjin wa atamagaī."
"Ano pa nga ba ang masasabi ko sa matandang iyun, bukod sa magaling siyang magtago ay matalino din siya."
NASH'S POV
"Ano na ang plano mo ngayon?" tanong ng lalaking nakashade.
"Wag mo siyang tanungin, gagawin niya ang dapat niyang gawin habang nasa misyon. 'Wag kang magkakamaling suwayin ang Imperador. Hindi mo gugustuhin na magalit siya, Nash Keller."
Kapag ang babaeng ito ang nagsasalita ay hindi ko maiwasan kabahan. Bagaman alam ko ang ugaling itinatago ng Imperador ay hindi ko parin maitatak sa utak ko ang patayin si Aries.
Si Aries ay ang lalaking hindi ko gugustuhing patayin. Ang tanging gusto ko lang ay ang mapatay ang matandang Hamura na 'yun at makuha ang hustisiya na nararapat sa kapatid at pamilya ko.
Kailangan ko ng sagot. Kailangan kong makaganti.
Kailangan ko ng paliwanag. Kailangan ko siyang mapatay!
"Listen, magfocus kalang kay Aries. Kami na ang bahala sa babaeng Collins." sabi ng lalaki.
"Tch, base sa pananalita mo ngayon palang binabalaan na kita. Hindi ko gugustuhin na dapuan ng kahit maliit na daliri si Rea." natatawang sabi ko.
Hindi man ako nakatingin sakanya ay batid ko ang pagkainis ng kanyang mukha.
"Anong sinabi mo?!"
"Tss, Kung sa tingin mo kaya mong makuha si Rea na hindi kinakailangan ng tulong ko nagkakamali ka. 'Wag kang padalos-dalos dahil alam kong nagkita na kayong dalawa. Aabutin kayo ng Ilang taon bago siya makuha kung hindi ako tutulong."
"Don't talk like you can take her in just a few seconds."
"I can't promise I'll get her in a few seconds, but I can help you get her in a few seconds." nakangising sabi ko.
"Tama na 'yan, maghanda nalang kayo." sabi ng babae.
Bago niya kami talikuran ay tinawag niya ako.
"Hoy, Keller-boy." Bahagya siyang lumingon saakin.
"...siguraduhin mo lang na matutulungan mo kaming makuha siya. Dahil kung hindi, dalawa kayong maghuhukay ng sarili niyong libingan."
Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Kung makapagsalita siya akala mo kung sinong magaling. Sa pagkakaalam ko ay mas mataas ang kakayahan ko sakanya.
"Hindi ko akalain na magkakaroon ka ng ganyang pasa dahil lang gusto mong patunayan sa babaeng yun na gusto mong maging malakas. You're such a good actor." natatawang sambit ng lalaki.
Nahawakan ko nalang ang dalawa kong kamay dahil sa mga pasa at gasgas nito na ngayong nababalutan ng White roller bandages.
"Kung wala kang magandang sasabihin, aalis na ako." sabi ko.
Iniwan ko siyang mag-isa sa training room para pumunta sa silid ko na matagal ko naring iniwan.
Sa totoo lang, lumawak ang lugar na 'to. Pero masasabi kong mas malawak ang Hamura High. Mas malaki ang school. Kaunti lamang ang tao pero masasabi kong ang School na 'yun ay maraming sikreto.
Intention kong ipaalam kay Rea ang tungkol doon.
Pero hindi ko na siguro masasabi sakanya ang bagay na yun lalo na't......
Isa ako sa mga taong sasama sa misyong kunin siya.
At patayin si Aries.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
Fiksi UmumAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...