NASH'S POV
"Tulala ka nanaman, wala ka pabang plano?"
Agad akong napasuot ng damit ng makita ko ang pagpasok ng isang babae sa training room.
Mas sumilay pa ang ngiti sa kanyang labi dahil sa naging reaksiyon ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya.
"Hanggang ngayon ba ang babae parin na yun ang iniisip mo?" makahulugan niyang tanong.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, umalis kana."
"Bakit ako aalis? May kailangan pa ako sa'yo."
"Ano ba kasing kailangan mo?!"
"Bakit ba galit na galit ka? Ganyan ba talaga kapag nabasted ng isang babae?!"
"HAHA!"
Halakhak naman ng mga lalaki sa gilid. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Kailan mo balak kunin si Rea?" tanong niya.
"I already told you, didn't I? Hindi ko kukunin si Rea. Since kayo ang may pakay sakanya. Bakit hindi kayo ang kumuha sakanya?"
"Come on, Mas mapapadali ang trabaho natin kung mapapabagsak natin si Rea. After all, she's--------"
"She's what?! Ang may-ari ng simbolo na kinaiinggitan mo?!"
"You bastard!"
Kinwelyuhan niya ako. Napangisi ako dahil sa naging reaksiyon niya.
"Bakit, hindi ba totoo? Kaya ba ayaw mong sabihin sakanya ang totoo? Ang totoong mag--------"
Hindi na natapos ang sinasabi ko nang suntukin niya ako kaya ako napaatras.
"Wag na wag mong babanggitin ang tungkol doon!" Galit na sabi niya.
"Tss!"
Imbis na sumagot pa ay pinunas ko nalang ang dugo sa labi ko.
Kainis!
"Kukunin namin siya sa Hamura, 'wag kang magkakamaling hindi sumama. Dahil papatayin kita kasama niya."
Bago siya umalis ay tinapunan pa niya ako ng masamang tingin.
Tss, As if naman mapapatay niyo siya!
ARIES'S POV
Nasa Canteen na ako. Kasama ang ibang ranggo ay tanging si Rea lang ang pinagmamasdan ko.
"Gusto mo bang papuntahin ko siya dito para dito mo nalang siya titigan?"
Biglang nagsalita si Trixy.
"Tss, bakit hindi mo pa lapitan? Umaarte kapang cool diyan. Halata namang gusto mong lapitan." sabat pa ni Eury.
"Jeez, I don't know what's so special about her but....are you inlove with--------"
"Of course not!" I cut her.
"Ops, defensive." Mapangtuyang sabi ni Eury.
Nang tingnan ko siya ng masama ay saka palang ito bumalik sa kinakain niya.
"May nalaman lang akong importanteng bagay sakanya ngayon, bagay na hindi ko alam kung mabuti ba o masamang intensiyon." sabi ko habang ang tingin ay nakay Rea parin.
"Anong bagay naman 'yun?" paglapit saakin ng dalawa.
"Kinakabahan naman ako diyan." kumento ni Eury.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...
