Matapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya palayo. Inis ko siyang sinundan ng tingin.Napakataas ng tingin niya sa sarili niya. Tingnan ko nalang kung hanggang saan ang lakas niya.
Hayst! Bakit ba ganitong buhay ang binigay saakin? Hindi ko inaasahan na ganito magiging approach nila dahil lang sa E-rank ako.
Habang naglalakad pabalik sa classroom ay napapansin ko nang tahimik sa loob ng classroom ng E-rank. Tumambay muna ako sa labas ng pintuan at baka sakaling pinag-uusapan nila ako pero wala akong ingay na naririnig kaya binuksan ko nalang ang pinto.
Pero may isang tao rin ang bumukas nun kaya sabay kaming bumukas nun pareho.
Nakita ko si yung lalaki na Nash ang pangalan na nakahawak sa pinto sa loob. Nagulat din sa nangyari.
"What?!" takang tanong ko dahil sa reaksiyon niya.
"Rea!" dinig kong tawag ni Vinassy sa loob.
Hindi ko na pinansin si Nash at pumasok nalang din ako sa loob. Sinalubong ako ng yakap ni Vinassy na akala mo isang taon akong nawala.
Kanina lang kami nagkakilala pero naging malapit na siya kaagad saakin.
"Anong nangyari? Pinagalitan ka?" tanong ni Casper.
"Hindi, wala naman akong ginawang masama. K-kalimutan na natin 'yun." sabi ko nalang at naupo sa pwesto ko.
Binalingan ko ng tingin ang dalawang kagagaling lang ng clinic. May benda sa kamay ang isang lalaki na sinalubong ko ang suntok kanina. Hindi ko akalain na ganun katindi ang impact. Mukhang napasama ang lagay ng mga buto niya sa kamay. Whatever, kasalanan naman niya.
"Pinagalitan ka nga?" tanong parin ni Vinassy.
"H-Hindi."
"So, what happened?" biglang upo ni Nash sa harapan ng desk ko.
"P-pinagsabihan lang ako." sagot ko.
"Mas mabuti na yung pinagsabihan ka, sa susunod kasi 'wag kang basta basta mamamaril ng sahig." sabi ni Casper.
"Kasalanan ko ba? Nainis ako eh!" dahilan ko.
"Kahit nainis ka minsan kimkimin mo rin." sabi ni Bryan na nagpasalubong ng kilay ko.
"Katulad ba ng ginagawa ko sa'yo?" sarcastic na tanong ko.
"A-Ano?!"
"Oo nga pala, Dalawang lesson nalang at pwede na tayong pumunta sa dormitory. Sino nga pala dito ang karoommate mo?" tanong ni Vinassy.
"Hindi ko pa alam. itatanong ko kay Dean kung anong numero ang Dormitoryo ko." sabi sakanya.
"Guys, parating na si Maam!" dinig naming sigaw ng classmate namin.
Nagsipagbalikan na sila sa kanilang upuan. Ng makapasok ang teacher ay agad niyang natanaw ang pwesto ko at pinakatitigan niya akong mabuti. Umiling iling pa siya na para bang dismayado saakin.
Malamang ay nabalitaan niya na rin ang ginawa ko kanina sa canteen. Pero hindi ko masisisi ang sarili ko. Binalaan ko naman sila kanina na ayoko ng tinatawag akong loser at pinagsasalitaan at ipapahiya. Dahil marunong din akong gumanti.
Ilang oras pa ang dumaan.......
.........FEW HOURS LATER....
-6:00 PM-
"Pagkatapos mong magbihis ay bumaba kana sa Canteen para sa Dinner."
huling paalala ni Dean bago ako umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/245430484-288-k244068.jpg)
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
Genel KurguAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...