21: FIRST MISSION

629 53 0
                                    

"I'm counting on you, Rea." sabi ni Dean.

Bakit?

Bakit sa lahat ng misiyon. Ito pa ang ibinigay saakin?

Hindi naman misiyon ang pinunta ko sa school na 'to.

"Can someone explain to me in a small words why I'm being assigned to this mission with her?!" galit na tanong naman ng babae sa side ko.

"Well, the answer is simple. She's more than useful." sagot ni Nozomi-senpai.

"What? Are you saying that I'm useless?!"

"Trixy, shut up already." ani naman ni Stupid Aries.

Apat na mula sa A-rank at ako lang ang mag-isang kinuha nila sa E-rank.
Ngayon, iniisip ko kung makakaya ko ba silang pakisamahan habang nasa misyon kami.

Dalawa lang kaming babae. Nakablack suit ang mga lalaki samantalang naka dress kami na itim. Para kaming aattend ng libing.

Sabi naman ni Dean ay para alam niya kung sino sino kami. Kami lang ang naiibang kulay doon. May point naman siya kaso lang ang pangit tingnan. Baka mamaya manghinala pa ang mga tao kung at maging mga kalaban ay malaman na kami iyun. Minsan, hindi maganda ang naiisip nilang ganito.

"Tayo na, maya-maya lang ay magsisimula na ang party." sabi ni Cleavage-sensei.

Siya ang magpapanggap na asawa ni Dean. As usual, kakaiba ang suot niya. Hindi ko maisip kung paano at komportable siya sa suot niyang yan. Halos iluwa nalang niya ang dibdib niya. Wala naman akong magawa dahil sabi rin naman fashion yan kaya hinayaan ko nalang.

Inilagay ko ang pocket gun ko sa ilalim ng palda ko sa hita. In case lang na biglaang gumulo ang paligid.

"We're leaving." sabi ni Dean na nagmartsya na palabas ng opisina niya.

Sinundan naman ito ng A-rank. At ako ang huli.

Paglabas namin sa hallway ay natanaw ko na papasalubong saamin si Nash kaya kinawayan ko siya na kumaway rin saakin pabalik.

"Rea, g-goodluck." sabi nito.

Napansin ko ang mga galos niya sa pisngi. Maging ang damit niya ay madumi na rin. Naguguluhan ako kung napapano ang mga galos niyang yun.

Tinanguan ko siya para tanggapin yun.

Nawala lang ang tingin ko sakanya ng umatras si Stupid Aries kaya natabunan siya.

"Wag kang magpahuli." sabi niya.

Nagsalubong lang ang kilay ko. Base sa nangyari kahapon ay nag-away kaming dalawa pero heto siya at kinakausap parin ako.

Stupid talaga.

"Mamaya kana lumandi, hindi pa nga tayo nakakaalis. Maghanda ka paglabas natin." sabi nito.

Mas sinamaan ko siya ng tingin. "Mind your own business." I said.

Inismiran niya lang ako habang nagpapatuloy sa paglalakad.

Iniscan ko ang ulo niya hanggang paa. Bagay bagay nga sakanya ang suot niya pero ang ugali naman napakapangit. Maipagmamalaki siya ang tangkad at kagwapuhan niya pero ewan ko nalang kung bakit nakakainis ang ugali niya.

Kulang sa aruga....nakakainis.

"Pasok na sa loob." anunsiyo ni Cleavage-sensei.

Pinat pa niya ako sa balikat bago pumasok sa sasakyan.

Ngayon lang ako makakasakay sa limo. Pero ng makalabas kami ng school ay nanibago ako sa labas nun. Kamailan lang simula ng lumipat ako rito. Hindi ko akalain na maraming magbabago sa hangin pagdating sa labas ng school.

"Rea, ano pang inaantay mo?"

Bumalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Maam kaya agad na rin akong pumasok. Magkakaharap kaming lahat. Ang tatlong A-rank ay nasa harapan namin, samantalang magkatabi naman kami ni Stupid Aries na nakacross arm lang habang nakacross pa ang binti.

Sa isang sasakyan naman ay sina Dean at si Cleavage-sensei.

Gusto ko rin sa isang sasakyan. Mas mapapanatag pa ang loob ko kung hindi ko nakikita ang pagmumukha nitong A-rank na nagsisimula naring bumigat ang awra naming lahat sa loob nun.

Punong-puno na agad ng tensiyon samantalang wala kaming ibang ginagawa kundi ang titigan ang ibaba.

"Kung gusto niyong atakihin ang isa't-isa pwede naman, walang nakakaalam na nag-aaway kayo dito sa sasakyan." biglang sabi ni Stupid Aries na napansin ang matalim na titigan namin sa isa't isa.

"Pfft!"

"Tss!" singhal ko naman.

"This is your first time, 'wag ka sanang maging pabigat." seryosong sabi isang A-rank.

"May aasahan kaba sakanya, nagmula siya sa E-rank." sabi naman kuno ni Trixy sa pagkakaalala ko ng pangalan niya.

"That's enough."

"What a loser." sabi pa ng isa.

"I said that's enough!" saway ulit ni Stupid Aries.

"What now? You're on her side? Isa ka na rin bang Loser, Aries?"

Napaayos naman ng upo si Stupid Aries ng sabihin sakanya yun ni Trixy. Napangisi ako kung paano nila nagagawang isalin ang away sa kapwa nila rango.

"Shut up, wala akong kinakampihan. And I don't care if magpatayan pa kayo rito. Sa ngayon, nasa misiyon tayo kaya magbehave kayo." sabi nito sa kasama.

Tiningnan ko naman ang tatlong A-rank na ngayon nakataray saakin. Tinaasan ko ng kilay ang isa sakanila. Naghahamon ang titig niya kaya napapangiti nalang ako.

"Are you looking for a fight? Loser?!" galit na sabi ng lalaki.

"Naglaban na tayo, natalo ka nga diba?" sabi ko naman.

"Tss, minsan nangyayari din ang swerte at tiyamba." sabi ni Trixy.

"Ang tiyamba at swerte minsan lang mangyari, siyam lang naman kayo pero natalo ko kayong lahat. Hindi na yun tiyamba." pagmamalaki ko.

"Tama na."

"Pwede pa rin nating patunayan na mas magaling kami sayo." hindi nagpapatalong ani nila.

"Whatever." sabi ko nalang.

"A loser is always a loser."

Napatingin ako kay Trixy. Bigla ko kasing naalala ang sinabi saakin ni Stupid Aries noon. Sinabi niya rin saakin ang katagang yan.

"Mukhang narinig ko na rin ang linyang yan, yung nagsabi niya saakin bigo akong labanan." nakapoker face na sabi ko.

Nagpaparinig na rin. Napansin ko rin kaagad ang paglingon saakin ni Stupid Aries. Hindi lang siya nagsasalita dahil alam naman niya sa sarili niyang siya ang tinutukoy ko.

"Tumigil na kayo." dinig kong sabi niya.

Ilang sandali pa ay naramdaman namin ang paghinto ng sasakyan. Ibinaba ni Stupid Aries ang Windowshield niya kaya doon ko lang nakita na nasa isang malaking Gusali na kami nakaparada.

Nilinga ko ang paningin sa paligid. Nasa labas na nga ako ng school.

"This is it, wear your bluetooth." anunsiyo ni Stupid Aries.

Kinuha ko sa maliit na pocket ko ang Wireless Bluetooth saka inilagay sa tenga ko. Ito daw ang communication namin sakaling magkahiwa-hiwalay kami.

"Kailangan natin magtulungan sa misiyon na 'to, isantabi muna natin ang mga hinanakit natin."

Napairap ako sa hangin ng sabihin niya ang katagang yun.

Childish.

"...Baba na."

Hamura High School | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon