37: THE END GAME

790 54 1
                                        

CLARK'S POV

Bwisit! Hindi namin kayang talunin ang mga 'to. Ngayong si Rea ang target ng Emperador, kailangan ko siyang protektahan pero hindi ko rin pwedeng iwanan ang Ikauna at Ikalawang rango.

Kailangan ko ring protektahan si Dean at ang ibang mga rango.

"Clark, Rea has been cornered!" dinig kong sigaw ng B-rank.

What?!

"Nasaan na sila?!" inis na tanong ko.

"Nasa labas sila ng school, sugatan si Trixy! They need our help!"

Damn it! Anong ginagawa ni Aries at hindi niya maprotektahan ang mga kasama niya?! Kahit kailan talaga wala siyang kwenta!

"Nozomi! Ipapaubaya ko na ang laban na 'to sayo! Danko! Sumama ka saakin!" sabi ko sakanya.

Nagmadali kaming tumakbo palabas ng Hamura. Baka kapag hindi namin binilisan ay kung ano na ang mangyari sa pinsan ko.

Aries, What the hell are you doing right now?!





REA'S POV

"AAAHHHH!"

daing ni Trixy ng apakan siya sa tiyan.

"STOP!" sigaw ko.

Damn those needle! Hindi ko alam na maitatarak nila saakin ang bagay na yun para pigilan ang pagkilos ko!

Dang it!

"Damn you.....!" singhal ko at pilit pinapalakas ang katawan.

Kung hindi ako kikilos at tatayo ay dalawa silang mamamatay!

"AAAAHHHH!"

Sinulyapan ko si Aries na ngayon ay hawak ang dalawa niyang kamay ng nakamascara. Pilit iniikot ang kanyang braso at kulang nalang ay mabali na ang mga ito.

"WHAT THE HELL DO YOU WANT?!" galit na sigaw ko.

Hindi niya sinagot at pumunta lang sa harapan ni Aries na tumingin naman sakanya ng masama. Habang iniinda ang sakit ay hanga rin ako na nakakaya pa niyang dilatan ng mata ang lalaking 'to.

"SHINE!"

Nang sumigaw siya ay kasabay nun ang paglapat sa baba ni Aries ng kanyang paa na siyang naging dahilan para matumba si Aries. Ang pagkakasipa niya ay ang naging dahilan rin ng pagubo niya ng dugo bago humandusay sa lupa at mawalan ng malay.

Tanging pagtitig lamang namin ni Trixy ang nagawa namin kung paano siya mawalan ng malay.

"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na mapatay kita, Hamura Aries Cyrel."

Napakabilog ng kanyang boses. Tila ba natigilan ako nang bumalik sa aking isip ang pamilyar na boses na narinig ko na matagal na panahon na ang nakakalipas.

Yun ang boses na hindi ko makakalimutan.

Hanggang sa tuluyan ko na ngang maalala kung sino ang taong matagal ko nang hinahanap ay matatagpuan ko rin sa hindi inaasahang panahon.

Wala na akong pakialam sa sakit na kanina ko pa nararamdaman. Ang alam ko lang ngayon ay paghihiganti at pagkatuwa na natagpuan ko rin ang taong matagal ko nang hinahanap.



TRIXY'S POV

Gulat akong nilingon ang pwesto ni Rea na kung saan ay dahan-dahan siyang tumatayo. Hindi ko alam ang nangyari sakanya pero pakiramdam ko ibang tao siya. Hindi ko kilala ang totoong siya pero napakabigat ng kanyang awra.

Hinang-hina pa ako dahil sa tatlong beses na sipa ng lalaking ngayon ay nakadagan sa aking tiyan. Isama mo pa yung tinurok nila saamin na pagpahina.

Hamura High School | ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon