08: RUDE BOY

1K 72 7
                                        

Nagising ako sa sikat ng araw. Ng maimulat ko ang mata ko ay napansin kong walang tao sa dormitoryo kundi ako lang.

Ayos na ang higaan ng dalawa.

Tiningnan ko ang kinaroonan ng uwak na ngayong lumipad nanaman papunta sa kama ko.

"GOODMORNING!"

Bigla siyang nagsalita.

Hindi ko siya pinansin at bumangon na kaagad ako.

Pumunta ako sa banyo para maligo at magbihis ng uniporme ko.

Ng handa na akong lumabas ay saka ko ipinasok si Azula sa kulungan niya.

Ng makalabas ako ng dormitoryo ay agad kong nakita sa may gilid si Nash. May dala-dala siyang dalawang hotdog na nasa bun at nakaplastic.

"Nash." tawag ko sakanya.

Napaayos siya ng tayo ng makita ako.

"..A-anong ginagawa mo di-----"

"Ang tagal mong magising, kanina pa ako dito."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sino ba kasing maysabi sayo na maghintay ka saakin dito?!" pagtataray ko.

"O, New york hotdog 'yan. Yan ang almusal sa Canteen. Pinadalhan kana saakin nina Alice dahil hindi ka pa daw gising." sabi niya.

Eh bakit hindi nila ako ginising?!

Kinuha ko ang hotdog sakanya.

Nakita ko na rin siyang kinain ang sakanya kaya kinain ko na rin ang saakin.

"Ang sarap."

"Tama ka, masarap nga. Patikim nga-----Aray!"
Tinapik ko ang kamay niya ng balak niyang hawakan ang hotdog na hawak ko.

"Pareho lang ang lasa niyan! Baliw ka!"
sabi ko pero ang loko ayaw parin patalo.

"Hindi kaya, maanghang nilagay ko sayo saakin cheese!"

"Kasalanan mo na yun!"

Kukunin niya nanaman ito ng ilayo ko ulit sakanya.

"Please, patikim lang eh!"

"O, ayan! Stress mo bangs ko!"

Hinayaan ko nalang siyang kumagat. Baka umiyak pa kapag hindi nasunod ang gusto niya.

Isip bata...tss!

"Ano palang ganap ngayon? May training ba?" tanong ko.

"Hindi ko pa alam, papunta palang naman tayo sa classroo-------"

"Ang aga-aga dito niyo pa naisipang maglandian?"

Bigla kaming napalingon sa nagsalita.

Palapit saamin si Stupid Aries habang nakapamulsa. Nandun nanaman yung tingin niya kay Nash na hindi kaaya-aya. Hindi naman nagpatalo ang isa at ginantihan din siya ng masamang tingin.

Sinulyapan niya ang hotdog sa kamay ko.

At hindi ko inaasahan na lalapit siya saamin. Inilabas niya ang isang nakplastic na pagkain saka ipinatong sa ibabaw ng hotdog na hawak ko.

Taka man ay hinawakan ko ito dahil baka mahulog.

Pag-angat ko ng tingin ay nalagpasan na niya kami.

Nalaman kong katulad rin ng hotdog na kinakain ko ang ipinatong niya.

pero....

bakit naman niya ibinigay saakin----------Tss! Malamang binigay niya 'to saakin dahil ayaw niyang kumain ng cheap na almusal!

Hamura High School | ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon