REA'S POV
Tahimik akong naupo sa side ng kama ko habang hinahayaan kong mabingi ako ng katahimikan na bumabalot sa loob ng dormitoryo.
Ako lang ang naroon. Nakaayos ang higaan nina Luna at Alice kaya wala akong ideya kung nasaan sila ngayon.
Malamang nagi-ensayo na sila kasama ang ibang E-rank.
Tanghaling tapat ay napasilip ako sa bintana ng dormitoryo namin na kung saan makikita mo ang likuran ng Hamura.
Tama, kailangan kong maging malakas at hanapin ang mga lalaking pumatay sa pamilya ko.
Balak ko sanang alisin ang gloves ko ng bahagya akong matulala sa labas ng bintana ng marinig kong bumukas ang pintuan ng dorm.
Hindi man ako lumingon ay alam kong sina Alice at Luna 'yun. Dahil sa narinig ko rin ang ingay ni Azula doon ko nalaman na sila nga ang pumasok.
"R-Rea." tinig ni Luna.
Inayos ko ang pagkakalagay ng gloves ko bago ako lumingon sakanila.
"G-Gusto kang makausap ng E-rank." sabi ni Alice.
"For what?"
"M-May sasabihin lang kami." sabi ni Luna.
"May kailangan pa akong gawin, bukas nalang-------"
"It's important. Pwede mong gawin ang gagawin mo pagkatapos nun." sabi nila.
Huminga nalang ako ng malalim at wala na ring nagawa.
I don't say any words to them. Sinundan ko lang sila sa papuntang labas.
Hanggang sa makarating kami sa bandang puno ay naroon nga ang ilang E-rank. All of them to be exact.
"So?" panguna ko ng makalapit na kami.
"WE.........." sabi nila.
Para akong tangang nakatulala at hinhintay ang sunod nilang sasabihin.
".....WANT TO APOLOGIZE TO YOU!" sabay-sabay nilang sabi.
"Gusto naming humingi ng tawad, dahil pinagbintangan ka namin." sabi ni Luna.
"S-Sorry din kasi nasigawan kita." sabi ng isa.
"A-Ako rin."
"Ako rin, naging mean ako. S-Sorry." sabi ni Bryan.
"Sorry din. Rea." sabi ni Nash. "S-Sana mapatawad mo kami." dagdag niya.
"Sinabi saamin ni Vinassy ang nakita niya. So talaga ngang may ibang tao nun sa gubat." sabi ni Alice.
"Ang ipinagtataka ko lang bakit parang hindi alam yun ng trainor natin?" sabi ni Casper.
Yun ang gusto kong malaman.
Anong pakay ng may gawa nun? Balak ba niyang sirain ang relasiyon ko sa E-rank? O balak ba niyang ipahamak lahat ng kaklase ko?
Wala akong alam. Wala akong kaide-ideya.
"Rea, may alam kaba kung sino ang pwedeng gumawa nun?" tanong saakin ni Nash pero umiling lang ako.
"S-Sa nakita ko kahapon, nakasuot ito ng bonet at black na suit. Para siyang ninja." sabi ni Vinassy.
Kung ganun nakita niya nga ang lalaki.
"Vinassy." tawag ko sakanya. "..We need to talk." sabi ko dahilan para maagaw nun ang atensiyon ng buong E-rank.
"O-Oo sige."
"Teka, bakit kayo lang?"
"Isama niyo kami------"
![](https://img.wattpad.com/cover/245430484-288-k244068.jpg)
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...