36: CORNER

673 53 0
                                        

ARIES'S POV

"Itigil mo na 'to!" galit na sigaw ko sakanya.

"AHH!"

Buong lakas niya akong sinipa dahilan para mapaatras ako ng sobra. Iniingatan kong hindi niya matamaan ang dibdib ko. Kakaiba ang lakas ng sipa niya kaya kailangan kong iwasan lahat ng atake niya.

Ganito pala kapag nakikipaglaban ka sa babae. Para kang nagbubuhat ng malaking barko.

"AAAAAAAAAAHHHH!"

Palapit na sana siya saakin ng bigla kaming makarinig ng malakas na sigaw na nanggagaling sa labas. Binulabog naman ng mga throwing knives ang mga bintana dahilan ng pagkabasag nito.

"This is bad, SINALAKAY TAYO!"

sigaw ni Danko.

Nataranta kami bigla. Pero hindi ako umalis, tiningnan ko pa si Rea na mukhang wala na siyang panahon para ituloy ang pakikipaglaban.
Pareho kaming naghanda para sa pagpasok ng kung sino man.

Hanggang sa may mga nagtalunan ng mga lalaki na agad ko ding inatake.

Sa ngayon ay sila ang target namin. Masyadong marami ang mga pumapasok at hindi kami sapat para talunin 'yun. Sa gawi ni Rea ay nagsisiliparan ang mga tao.

Ako naman ay panay suntok at baril sakanya.

Para silang mga ninja.

Nahihirapan akong tamaan sila ng bala lalo pa at mabibilis silang kumilos.

"Rea, Aries!"

Pagdating ng mga trainor ng Hamura.

"Ms. Toma, Mr. Itsuki------Damn it!"

Wala akong panahon para pansinin sila. Nagpatuloy ako sa pagpapatumba at pagbabril ng mga lalaking may mga espada.

Sinulyapan ko naman si Rea na mukhang nahihirapan dahil dumadagsa ang taong nasa gawi niya.

"Protect Rea! Kami na ang bahala sa iba!" sabi ni Ms. Tora.

Hindi man ako sigurado kung mapoprotektahan ko siya ay tumango nalang din ako saka pinuntahan siyang pinagkakaguluhang pabagsakin ng mga nakaitim na suot.

"Tss!"

dinig kong singhal niya.

"You must help the other students out there, kaya ko na ang sarili--------"

"Shut up and do your job! Let's bring them down as soon as possible." sabi ko.

Tss! kung hindi niya lang sinimulan ang laban kanina edi sana mas nakapaghanda pa kami. Pero kahit naman siguro hindi kami naglaban ay tiyak kong mabibigla din kami.

Lumalayo na rin ang pwesto namin. Dumadagdag ang mga taong pumapasok. Nakita ko naman si Jiho at Nozomi ay dumating sa kinaroroonan namin.

Dumating na rin si Clark.

"Rea, iwan mo na kami. Itakas mo na ang sarili mo!" sigaw sakanya ng pinsan.

Pero si Rea ay abala lang sa pagpapatumba ng kaaway.

"Aries, get Rea out of here! siya ang target ng Emperador!" sigaw niya saakin.

Emperador? Who the hell is that?!

Hindi ko kilala ang tinutukoy niya pero sa palagay ko ay yun ang nakakataas at sigurado akong nandito rin ang taong 'yun.
Nilapitan ko si Rea saka sinipa ang lumalaban sakanya.

"Let's get out of here!" hatak ko sakanya.

Mahigpit ko siyang hinawakan saka tumakbo papunta sa hagdanan papunta sa baba. Sa hallway, may nakikita akong humahabol saakin.

Hamura High School | ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon