23: ENEMY

756 54 0
                                        

REA'S POV

"Malapit na matapos ang pagtitipon, huwag kayong humiwalay sa isa't-isa." sabi ni Cleavage-sensei.

Nilinga-linga ko ang paningin ko. Hindi ko na nakita sa paligid ang lalaking may badge kanina.

Sa palagay ko tama ang hinala ko na isa siya sa Black Forces.

Hindi ko maintindihan pero....

Malakas ang kutob na malapit na sila saakin.

"Sinong hinahanap mo?" biglang tanong ng lalaking nasa gilid ko.

"Baka yung lalaking balak siyang landiin." sagot ni Stupid Aries sa kabilang side.

Hindi ko siya pinansin.

"Selos ka na niyan?"

"Shut up."

Kailangan kong maging maingat. Hindi ko alam kung nasa tabi-tabi lang sila at nagmamanman saakin.

"Now you mentioned it. Kanina hindi ko alam kung ikaw ba yung nakita ko pero......."

"Everyone, let's go back to Hamura." halatang nagmamadaling sabi ni Dean.

Sinundan yun ni Cleavage-sensei.

"Rea, come." sabi niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko kaya napalakad ako ng mabilis ng wala sa oras.

"Sensei, ano bang problema--------"

"No more questions, Aries. Magtawag ka ng back-up."

Naguluhan ako bigla.

"Hai."

Hai? H-He can speak Japanese?

"Rea, mauna kana sa kotse-------"

"Pero....."

"Hurry!"

I don't fight back and just obeyed her. Kahit gulong-gulo ako ay sumunod nalang din ako sakanya.

Nang makalabas na kami sa building at malapit sa sasakyan ay saka naman biglang lumitaw ang hindi mga kilalang tao na nagsibabaan sa itim na Van.

"Rea!"

"W-Who are these people?!" dinig kong tanong ni stupid Aries.

Sakay ng isang itim na limo na pumarada sa tapat namin ay bumaba ang hindi makilalang tao. Nakaitim silang damit at lahat sila nakashade.

Teka.......!

Siya yung.....!

"So, you're one of them." nasa tapat ko na si stupid Aries habang kausap ang lalaking nagtanggal ng shade niya.

Naging seryoso ang reaksiyon ko ng ngumisi siya saamin dahilan para magkaroon ako ng sagot sa panghihinala ko kanina.

"I told you, I'm here to take you." nakatingin siya saakin.

Pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Take me?" naguguluhang sabi ko.

"Like I'd let you!" hinarangan ako ng bisig ni stupid Aries.

"Still arguing with me, Move." ayan nanaman ang sagutan nilang dalawa.

"Sino ba kayo?!" inis na tanong ko.

"Our identity is still hidden from you, unless you will come with us."

"Why would she?!" inis na balik naman ng babae. As far as I know siya si Trixy.

"Why? Well, if she truly cares about y'all she won't hesitate to come with us, right? Rea......Collins."

Beat!

Hamura High School | ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon