"Rea!"
Nakarating na ako sa canteen na naiinis parin ako. Hindi ko parin maalis sa isip ko ang sinabi nung stupidong Aries saakin.
Akala naman niya gusto ko yung ginawa kong paghalik sakanya!
Nakakainis tuloy!
"H-Hi guys."
bati ko sa E-rank.
Pare-pareho silang nakangiti saakin. Hindi ko magantihan ang ngiting yun. Malamang aasarin nanaman nila ako sa oras na sumakay ako.
"Nasaan si Nash? Pinuntahan ka niya kanina." sabi ni Alice.
"Hinanap ka niya saamin kaya pinuntahan ka niya." dagdag ni Vinassy.
"Ano palang ginawa ni Aries sayo? Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Luna.
"Nag-usap kayo?" sabat ni Casper.
Tinanguan ko siya.
"Pinaiwan siya ni Aries kanina kaya kami lang ang nakarating." paliwanag sakanya ni Luna.
"Ay, hindi ako naniniwalang usap lang!" sabi ni Casper dahilan para magsigawan ang ilangE-rank sa kilig.
"Tumahimik ka nga!" saway agad ni Vinassy.
"Eh ano nga bang nangyari?"
Napabuntong hininga nalang ako. "N-Nainis siya dun sa.....ginawa ko nung training." sabi ko.
"Ay, baka kulang." sabi nanaman ni Casper.
Naghiyawan nanaman ang ilang E-rank.
"Wag mong ginaganyan si Rea, baka makatulog ka kahit hindi ka inaantok." natatawang sabi ni Vinassy sakanya.
"S-Sorry na nagbibiro lang talaga ako."
"Bobo ka talaga." sabi sakanya ni Bryan.
Ilang segundong pag-uusap ay nakita namin ang pagbalik ni Nash. Lumagpas sa lamesa namin si Stupid Aries na nakapamulsa pa at diretso ang tayo habang naglalakad.
Ng makaupo si Nash ay saka palang ako tumingin sakanya.
"Ang tagal mo, may pinag-usapan paba kayo?" tanong ko sakanya.
"Bakit ko naman siya kakausapin? Baka masuntok ko lang siya." sabi niya.
"Easy, galit na galit ka yata ngayon." sabi ko.
"Galit kami sa ibang rango. Lalo na sa A-rank. Lalo na sa Aries na 'yun!" sabi niya.
"Mabuti pa 'wag na natin siyang pag-usapan. I-enjoy nalang natin ang pagkain para sa pagkapanalo natin." sabi ni Alice.
Good idea, mabuti pa nga!
"CHEERS!"
Sabay-sabay naming taas ng baso ng juice namin sa ere.
Nagsipagtunugan ito at halos matapon ang iba pero walang pumansin nun. Nagsaya lang kami.
.....Matapos ang masasayang usapan. Bumalik sa dati ang lahat.
Hindi pa nakakaalis ang buong E-rank ng may lumapit sa gawi ko.
"Rea."
Ng lingunin ko ito ay bahagya akong napaatras dahil sa pagkakakilanlan ko sakanya.
"Rea, what's wrong?"
Nanatiling nasakanya ang mga mata ko. Walang emosiyong nakatingin din siya saakin.
Gusto ko siyang yakapin. Umiyak pero may pumipigil saakin na gawin ang bagay na iyun.
Imbis na gawin ang nasa isip ko ay matalim ko rin siyang ginantihan ng tingin. Hindi ko mailabas ang sayang nararamdaman ko ngayon lalo na sa taong malapit pa saakin.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
Fiksi UmumAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...
