"I'm inlove with you, Rea."
Kita ko kung paano mag-iba ang reaksiyon niya. Pero nanatiling seryoso lang mukha niya nang sabihin ko 'yun.
"I-I didn't mean to say that! F-For real!"
But it feels kind of nice to have screwed up like this.
Bumalik ang isip ko kay Rea na seryoso nalang na nakatingin saakin. Blangko ang kanyang reaksiyon kaya hindi ko masabi kung ano ba ang nasa isip niya.
Namumula na rin ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hanggang sa makita ko siyang dahan-dahang tumayo.
Diretsong-diretso lang ang tayo niya habang nakatingin saakin. Wala siyang pakialam na baka lumipad ang palda niya at makita ko ang hindi dapat.
pero sa ngayon hindi yun ang mahalaga.
Gusto ko lang malaman kung ano ang sagot niya.
"Nash." tawag niya saakin.
Tumayo na rin ako saka siya tiningnan. Ngumiti siya saakin pero agad din niya itong binawi.
"I'm sorry, I have absolutely no interest in anyone."
Parang kumirot at piniga ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako umiiyak pero sa loob-loob ko ay unti-unti akong nadudurog.
So ganito pala ang pakiramdam ng mareject.
"Do you......like Aries?" tanong ko.
"That guy has nothing to do with this, Wala akong panahon sa mga ganung bagay, Nash." sabi niya.
Bahagya akong nagbaba ng tingin.
She rejected me.
"I'm sorry, kailangan ko ng magpahinga. Pagod kasi ako."
Yun nalamang ang narinig kong sinabi niya bago niya ako lagpasan at iwanan ng mag-isa sa may garden.
Pwede bang umibig? Ng hindi nasasaktan?
"Rejection always hurts."
Tss! Ano bang iniisip ko?!
"Jeez, I don't know that rejection is more painful than my bruises."
Nahawakan ko nalang ang kamay ko saka naramdaman nanaman ang kirot ng dahil sa ensayo.
Well...I need to accept the fact that Rea will never fall inlove with me.
"So, that girl dumped you, huh?"
Sinulyapan ko ang sumulpot sa bandang likuran ko.
Isang lalaki ang nakatayo doon habang balot na balot na parang ninja ang hitsura niya.
Sinasabi ko na nga ba eh...
Good thing lahat ng mga tao rito ay tulog na. Dahil kung hindi ay baka nakita siya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya. "Hindi ka dapat pumunta rito." hinarap ko siya.
"Kailangan na kitang kunin, ngayong alam na natin kung nasaan si Rea hindi mo na kailangan pang subaybayan ang lugar na ito."
Matalim ko siyang tiningnan.
"Hindi ikaw ang magdidesisiyon sa buhay ko, Ilang taon niyo 'kong ginamit para lang makuha ang babaeng 'yun! Hindi ako papayag na makuha niyo siya basta basta lang!" galit na sabi ko.
"You can't change your destiny. And your destiny is to kill that woman."
"Why would I do such a thing?! I'm not here to kill her?! I'm here to avenge my sister who died in that stupid old man's hand!" galit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...
