Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.
🪡🪡🪡
KOHLEN
Ang boring ngayong araw.
Pabalik-balik na lang ako sa Orinzet. Walang kaganapan doon maliban sa mga naggagandahang mga dilag na palakad-lakad sa eskinita. Pati rin mga pagkain na binebenta sa iba't ibang pamilihan ng bayan.
Nothing is exciting here. All I have to endure is the cold weather andsnow that further cover our land.
Para naman mawala yung lamig na nararamdaman ko ngayon na dala ng panahon, ay napaisip ako tungkol sa mga babae. Hindi pa naiisipan ng mga magulan ko na ipasakal-ipakasal sa kung sino mang babae na maaaring si Ina ang mamili. Dati ganoon ang ginawa sa mga magulang ko.
My father is the crown prince. While my mother is the second child of the Sotello Family and the crown princess. Since alliance is a must, and both family's are powerful, they were arranged marriage and had a happy family. That includes me and Xio.
And of course, our power foster. The Sotello and Steadman was known to be sister kingdoms as well.
I can imagine them being civil with that union, but I? Not in any of my dreams. Hindi ko magawang maisip na magiging masaya ako na tulad nila na itatali sa isang kasal tapos magiging masaya rin na kagaya nila. Dahil habang tumatanda ako ay nakikita kong may mga pamilya na nasisira dahil sa paghihiwalay ng ibang mag-asawa.
Kaya naman kung sakaling maisipan nilang ipakasal ako, ay lalayas ako ng palasiyo.
Ayoko pang isakal-ikasal! Gusto ko pang maging malaya. Gusto ko pang maging masaya sa sarili at mahalin ang sarili. Also, women are too much to handle if you are attach to them. They become pushy and clingy. Demands a lot of things. Becomes complicated.
Kung may ikakasal man na mula rito sa Northern, si Codie iyon. Naikasal na kasi ang dalawa nitong kapatid at siya na lang ang single sa pamilyang Sotello. Nasa tamang edad na rin ito kaya baka ipagtulakan na siya ng mga magulang niya na magpakasal.
Umiling na lang ako dahil hindi ko na iyon problema.
Pabalik na ako sa palasiyo nang may malagip akong magandang babae. Mukha itong hindi makabasag-pinggan. Ngunit naka-uniporme ito na parang heneral. Ang itim nitong buhok na nadadapuan ng niyebe ay mukhang diyamante. Ang lakas ng karisma. Siya ang napakagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.
"Miss!" Tawag ko sa atensiyon niya. "Miss!" Muli kong tawag pero hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang.
"Bastos naman!" Sayang kagandahan niya sa pagiging bastos nito. Isang Kohlen Steadman na ang pumapansin sa kaniya.
Nang makarating ako sa palasiyo ay saktong sumalubong sa akin ang aking pinsan. "Codie!" Bati ko sa kaniya at hindi niya rin ako pinansin.
Oh! Anong araw ba ngayon at ganito sila trumato ng tao? Walang pansinan day ba? Kakaiba ang mga ugali nila.-Speaking of ugali. Bakit magkapareha naman itong si Codie tapos iyong babaeng nakita ko kanina?
"Aish! Kainis, ah?! Nakakabasag sila ng mood ngayon!" Humarap ulit ako sa magaling kong pinsan, "Codie! Codie! Codie!" Paulit ulit kong tawag sa kaniya.
Hindi pa rin niya ako nilingon kaya ako na mismo lumapit sa kaniya at tumabi. "Codie!-"
"Isa pang putak, Steadman. Masasakal kita kahit magpinsan tayo. Wala ka na naman magawa sa buhay mo. Ano na naman kailangan mo? Kung isasama mo ako upang maghanap ng babae mo na lalandiin, wala akong gana." Dire-diretso niyang wika.
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Historical FictionCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...