KHEILANIE
There's still a little pinch in my heart every time I remember Codhille and Kohlen's conversation when I barged in to Codhille's room. However, I hate myself for easily accepting the prince's apology! A kiss! A kiss on the cheek!
Paano na lang kapag umamin ako sa kaniya dahil sa gulat?! Will he still be as sweet as before?
"Nakakainis naman!" Ginulo ko yung buhok ko at nanatiling nakaupo sa tabi ng pond dito sa palasiyo. Wala akong gana upang magtrabaho ngayon. Gusto ko munang ipahinga ang aking sarili. Kaya lang itong si Kohlen ay hindi ako pinagbibigyan. Lagi na lang siya sumasagi sa aking isipan. "Ang pangit mo Kohlen... Ang pangit pangit mo! Grrr! Pangit!"
Joke lang syempre. Ang gwapo kaya niya! Nahuhumaling ako lagi sa asul niyang mata, e. Unlike Codhille darker shade, Kohlen's are lighter, moonstone shade.
Argh! Forget about his eyes, Kheilanie! Patay ka kapag marinig niya mga insulto mo sa kaniya. "Ang pangit ni Kohlen Steadman. Ang pangit niya sobra!"
"Alam mo, nakakasakit ka na Kheilanie. Ano na naman nagawa ng kagwapuhan ko sa'yo, princess?"
Nanlaki ang mga mata kong nilingon ang nagsasalita sa likod ko. "Ano? Pangit pa ba ako kaya ka tulala sa akin? O gwapo ako kaya ka tulala sa akin? Dali! Anong sagot?"
I squint my eyes before speaking, "Ang pangit mo pa rin. At hindi ako natulala dahil sa kagwapuhan mo! Natulala ako kasi may nakita akong multo sa likod mo. Didn't you feel anything?"
"Oh shit! Really!?" Tumalon talaga siya at tumabi sa akin. Niyakap niya ako sa leeg na halos sakalin na rin ako. "Kheilanie yung totoo?! Nasaan na!? Hoy! Sagutin mo ako!"
"Makakakita ka talaga ng multo Kohlen kapag hindi ka bibitaw sa akin! Hoy! Nahihirapan akong huminga! Mapapatay mo ako!" Tinapik-tapik ko ang braso niya na nakayakap sa leeg ko. Bumitaw na siya at napahugot ako ng hangin.
"I'm sorry, princess," He pouts and pinch my cheeks. "Smile na!" Ini-stretch pa niya ang pisngi ko para ngumiti ako pero maya-maya tumatawa na siya.
"Nakakainis ka naman!" Hinampas ko ang balikat niya at sumimangot. "Kohlen!"
"Oh?" Inilapit niya naman ang mukha niya sa akin at halos mahulog ako sa upuan ko. "Aish! Ingat kasi sa pag-upo, Kheilanie!"
"Paano ako makakaupo ng maayos, e, ang lapit-lapit mo!? Nakakaduling kaya!"
"Edi sana sinabi mo agad!"
"E, ang hirap magsalita kaya!"
"Paano naman naging mahirap? Sasabihin mo lang naman."
"Ang lapit nga kasi ng mukha mo!"
"Oh, so? Ano ngayon?"
Oh my gosh! Is he dense?! Can't he read between the lines?
"Ahh! Mahahalikan kita!"
"Edi halikan mo lang! Para namang tatanggi ako?" Sabay kami napatikhim at umiwas ng tingin sa isa't isa. Tinulak ko siya ng kaunti at inayos ang aking upo.
Walang nagsalita muna sa aming dalawa. Dinama ko na lang ang katahimikan na namamagitan sa amin. Sumilip ako at nakitang nakahalukipkip siya tapos nakatitig sa pond. He only stood here beside me. Not saying another word. Maybe he is embarass too? I sigh and excuse myself. Mas mabuti siguro kung balikan ko ang negosyo ko sa Town Ili-jea. Ilang araw na rin akong hindi nakabalik doon.
"Wait! Bago ka umalis Kheilanie may gusto akong ipakita sa'yo?"
Huminto ako at lumingon. "Ano 'yon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Historical FictionCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...