TAILOR 26: Forced (Kohlen)

161 13 0
                                    

Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.

🪡🪡🪡

KOHLEN

These past three years were never easy. Struggles are always there to hinder the happiness of a person. And there is no one who can save us but ourselves.

I fought for my right as one of the Kings, in the Northern Palaces. I duel against Wrieck to have my position as king. I have to accept the tragedies he left for my people.

I once gave up on her for the sake of attaining peace and share my achievements to her once we meet again. 

🪡🪡🪡

Naidala na sa isang compartment ng barko ang mga gamit ko pagkaalis ko sa palasiyo ng mga Wainwright. Napasandal ako sa riles nitong barkong sinasakyan ko at pinanuod na inayos ang plakang dinadaanan namin paakyat dito kanina.

Muntik na akong maiwan ng barko kani kanina. Huling pito ng barko nang maabutan ko. At sinisimulan na nilang tanggalin ang plaka. Pero may nakapansin sa pagsigaw at kaway ko, kaya isang himala na nakasabay ako. 

"Wala man lang akong kasabay na umuwi," buntong hininga ko at napasuklay sa aking buhok gamit ang mga daliri ko. 

Codie chise to stay and wait for his general's return. I envy him. I envy his persistance to stay and wait. I want to do that too. I wanted to stay and fight for her freedom. However, it wasn't the right time to stay by her side.

Napabuntong-hininga ako at nagsisi na iniwan ko si Kheilanie.

"...KOHLEN!" 

Napalingon ako sa paligid ko rito barko para hanapin iyong nagtatawag sa akin. All of the passengers here are busy bustling and mingling through the crowd. 

"KOHLEN...!" Napakunot ako ng noo at hinanap ulit yung nagtatawag sa akin.

"Putik! Nag-aadik ata nagtatawag sa akin."

Kung nakahithit 'yong nagtatawag sa akin ng marijuana, huwag ako ang ayain niya! 'Codhille' dapat sabihin nila. Si Codie tawagin nila. Tsk! Bagay sa kaniya. Tutal, baliw naman siya sa isang babae.

"FUCK YOU, KOHLEN STEADMAN!" 

"Gago!"

Speaking! Napatingin ako sa baba ng barko at andoon si Codie na hinihingal at nakayuko. Hinahabol niya ang hininga niya pero mabilis niyang inangat ang ulo niya at sinamaan ako ng tingin.

"Shit!"

"YOU BASTARD OF A COUSIN!" Makapanindig balahibo ang tingin niya sa akin habang ang kamay niyang nakaturo sa akin ay parang baril na nakatutok sa aking dibdib. "KAPAG MALAMAN NG HENERAL NA PINAIYAK MO ANG KAMBAL NIYA AT SA AKIN PA SIYA MAGAGALIT MAGDASAL KA NA! NGAYON MO NA SIMULAN!" Banta niya sa akin at nakaramdam ako ng pares ng mga mata na nakatingin sa aming dalawa.

Akmang sasagot ako sa kaniya nang umuga ang barko. Simbolo na iyon na aalis na kami. 

"CATCH THIS, KOHLEN!" Nanlaki ang mga mata ko ng malakas niyang hinagis yung isang paperbag sa direksiyon ko.

Halos mahulog ang puso ko nang muntik kong hindi masalo iyon. I look at Codie who smirk and walk away like nothing happen. "Nakahithit nga ng marijuana," I whisper through the air.

Umiling-iling pa ako at tumitig sa bag na hawak ko. I caught a faint scent from the bag. It was Kheilanie's perfume. Napakagat ako sa aking dila at bumalik sa compartment ko rito sa barko. Pagkasara ko ng pinto ay dali kong tinignan ang laman ng bag.

The Tailor Princess [Wainwright Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon