Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.
🪡🪡🪡
KOHLEN
"I love you, Kohlen Steadman. Will you marry me?"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako lumunok ng laway ko. Basta kanina pa ako napapalunok. Nakakagulat si Kheilanie. Kinurot ko ang pisngi niya para malaman kung panaginip lang ba ito o hindi.
"Aray naman, Kohlen!" Inalis niya ang kamay ko sa pagkurot sa kaniyang pisngi at binawian niya ako sa ilong ko.
"Aray! Bakit naman sa ilong?!"
"Ayan nang malaman mo kung gaano kasakit ang pagkurot mo sa pisngi ko!"
"Bakit mo naman ako kinurot din?!"
"Aba! Sinasaltik ka na naman ba, Kohlen? Ha!?" Napakurap ako saka napagtantong totoo nga ang lahat ng 'to. Ngumiti ako ng malapad sa kaniya at natawa. Si Kheilanie talaga nasa harap ko. Si Kheilanie rin ang nag-propose sa akin...
"Panira ka kahit kailan!" Malakas niyang hinampas ang braso ko kaya napaatras ako.
"Ano na namang sinira ko? Wala naman nasira!" Hinimas ko ang balikat ko na hinampas niya.
"I just—Urgh! Nako! Nakakainis ka talaga!" Nag-pout ito at naghalukipkip ng kaniyang kamay. Tinalikuran niya na ako at daling tumakbo patungo sa pinto ng kanilang palasiyo. "H-hoy! Kheilanie! Sabing ayokong iniiwan ako, e!" Tumakbo rin ako palapit sa kaniya at inagaw ang kamay niya. Hinila ko siya sa tabi ko at pinaharap sa akin.
"Bakit ka umaalis na naman?"
"Ikaw kasi! I just propose tapos kukurutin mo lang ang pisngi ko? What is that for?" Pagsusungit niya kaya naman hinalikan ko ang tungki ng ilong niya.
"Bakit kasi ikaw magpo-propose? Ako dapat mag-aaya ng kasal sa atin, hindi ikaw! Tsaka ayokong ako pa sasagot ng 'oo', ikaw dapat!" Pinitik ko pa ang noo niya kaya mangiyak-ngiyak siyang hinawakaan ang noo niya. "Let's make it formal, Kheilanie. I'll be the one proposing. I'll be the one who will shock you and the people."
"Wow! Na-shock nga ako, Kohlen. Grabe!" Sarkastiko niyang saad kaya pinitik ko na naman ito sa noo. "Aray! Kohlen masakit na! Kanina ka pa!"
"Ikaw ang panira sa atin, e!"
"Ikaw rin kaya may kasalanan! Spoiler ka!"
"Kheilanie!"
"Kohlen!"
We squint our eyes at each other but I let it go. Para na naman kaming bata na nag-aaway na dalawa. Sa susunod na lang 'to at gusto ko na talagang pakasalan ang prinsesa ko. "Sa harap mismo ng Papá mo. Gusto kong mabasbasan tayo at tanggapin niya tayo."
Natigilan si Kheilanie at umawang ang kaniyang labi. "Paano kung ayaw niya?" Kabado niyang tanong.
Hinalikan ko naman ang noo niya at nginitian. "I think I have what it takes to sweep you off your feet and marry you, princess. I am a king." Pagmamayabang ko sa kaniya. I expect her to be happy pero nakakunot ang kaniyang noo at bigla akong tinawanan.
"Why are you laughing?!"
Napayakap na siya sa kaniyang tiyan at hindi tumigil sa katatawa. "Hahaha! Totoo ba 'yan? Hahaha!" Napasimangot ako sa kaniya at ilang minuto pa niya 'yon napansin bago tumigil.
"Wait! Are you serious?" Tumango ako.
Napatikom siya ng kaniyang bibig at napasinghap siya.
"Dead serious, princess."
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Historische RomaneCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...