Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.
🪡🪡🪡
KOHLEN
Kung may aalis, may babalik.
Nawala ang malas sa akin at bumalik 'yon kay Khanarie Wainwright. Good riddance!
"Khana ang laki ng eyebags mo! Tapos may kalmot ka pa sa mukha! Anong nangyari?!" Princess Kimora panicked upon examining her sister's face.
Hahaha! Khanarie Wainwright deserves that! Kahit itim ang pusa na pumunta sa kwarto ko, hindi naman ako ang minalas niya. Kundi itong katabi ko na heneral.
"Oo nga. Khanarie, hindi ka ba nakatulog kagabi? Anong ginawa mo?" I innocently ask her. Innocent enough to irritate her. "Matulog ka kaya ngayon para mawala ang eyebags mo?" Kita ko namang kumorte ang mga ugat niya sa kamay dahil sa higpit ng pagkahahawak nito sa kutsara. Kaunting asar pa at alam kong aatake na ito.
"Sinong makatutulog ng mahimbing, Prinsipe Kohlen, kung may bumabagabag sa akin kagabi? Dagdag mo pa ang problemang dala nito?" Sinamaan niya ako ng tingin at umiwas ako.
Natatawa ako! Ayoko na! Bastos na kung bastos pero natatawa talaga ako sa kaniya.
"Nasa harap ka ng pagkain, Kohlen. Huwag kang tatawa at binabastos mo yung grasya," biglang suway sa akin ni Codie habang kumukuha ito ng pagkain.
Killjoy! Kala naman kung siya si Ina. Hindi niya naman kuha ugali n'on. Pakitang tao na naman ito sa heneral. Tsk!
"Ina, ikaw ba 'yan?" I mock him.
Pinalisikan niya ako ng tingin at tinawa ko na lang. "Kohlen, bangkay ka na?"
I hold my breath by his question. Why does it end up to be grim!?
"Bakit? Babayaran mo ba punerariya ko?"
"I can arrange that now."
Shit ka! Hindi naman mabiro 'to! Lagi na lang seryoso!
"Arrange mo tapos papahabol kita sa heneral!" Banta ko at umiwas siya ng tingin.
"Bastard!"
"Takot ka lang sa heneral!"
"I am not."
"Psh! Obvious na nga, e!"
Tumigil siya sa pagkain at tinuro ang katabai ko na wala na pala. "Go after her for me." Utos nitong si Codie.
"No!"
"Are you sure, Kohlen?" May namuong kurba sa labi niya at napalunok ako. Kung ano man balak niya ayokong mangyari.
"Wait! Heto na! Susundan ko na! Hindi ko man alam ang balak mo pero ayoko namang magkaroon ng perwisyo!" Binilisan ko ang kain ko at nagpaalam sa hari. "Excuse me, King Howard, I'm done. I need to, err, excuse myself as well."
I settle down my utensils and storm off. Nagtanong ako sa mga mutsatsa rito sa palasiyo kung nakita ba nila ang heneral nila at sinabing nasa labas ito. I walk towards the front door of the palace and was taken aback. May umatake sa kaniya mula sa likod pero kasunod noon ay tawanan. They were like a couple at sinamaan ko sila ng tingin.
Inalala ko si Codie na nasa dining area na kumakain ng matiwasay at iniisip itong babae. The fact that he wants this woman hindi niya basta basta iyon makukuha dahil may mga karibal siya. May pa-piggy back ride pa nga rito oh! Mabuti na lang at ako ang nakakita. Kapag si Codie siguro nasa pwesto ko may World War III na. Makapapatay 'yon sa tingin pag makita niyang ang lalaking ito ay umatake kay Khanarie. Pwede niya pa rin naman patayin yung lalaki kasi sa isipan niya dahil ang sweet nitong lalaki kay Khanarie.
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Исторические романыCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...